CHAPTER 9- Who?

4.5K 123 0
                                    

Minulat ko ang aking mata nang maramdaman kong may dumamping kung anong malambot na bagay  sa aking mukha. Kaagad akong nakabalikwas ng tayo.

"Symon!" Gulat kong sigaw, napalingon lingon ako pero wala ito kaya bigo akong napabuntong hininga.

Akala ko...

"Hoy! ano 'to? di pa naka-move on sa ex?" Napalingon ako sa tabi ng kama at doon nakita ko si Jayshie na may hawak hawak na bimpo at timbang may laman ng tubig.

Akala ko talaga...

"Huh? hindi ah!" Iling iling ko at muling umupo sa kama ko. Inayos ko ang buhok ko dahil may mga takas itong sagabal sa mukha ko

"Naku, naku! kanina mo pa kaya inuungol ang pangalan niyang ex mo no." Ismid pa sa akin ni Jayshie.

Ano raw? inuungol? W-what? No way!

Pinamulahan agad ako ng maimagine ko, asa kama, nakahiga at inuungol ang pangalan niya— No!

"Sinungaling!" Iling-iling ko at iniwas ang tingin dito dahil ramdam ko ang pamumula ng buong mukha ko, pero pinilit pa rin nitong hulihin ang tingin ko. Iwas at iwas lang ang ginawa ko rito.

"Ay sus, ako? magsisinungaling? hindi no, dapat nga vinideohan pa kita pero hindi ko ginawa kaya magpasalamat ka no." Ismid-ismid pa nito sa akin.

"Then, thank you!" I sarcastically said. Inirapan ko pa ito at muling tumayo pero nang maramdaman kong nahihilo pa ako ay umupo na lang akong muli sa gilid ng aking kama.

"Oh, ayan, sige, inom pa!" Pinalig ko ang ulo ko at sumandal sa headboard ng kama at bumuntong hininga. Iniwas ko na lang ang tingin ko kay Jayshie na masama ang tingin sa akin.

I just tks-ed to her.

"Hindi mo ba itatanong kung sino ang naghatid sa iyo?" Kaagad akong napalingon kay Jayshie na nakangisi na.

Sino nga bang naghatid sa akin? Wala kasi akong matandaan. Kung meron man hindi naman malinaw, basta ang huli kong malinaw na natatandaan ay nakipag-inoman ako kay Janine at nag girl talk kami ng kung ano ano na hindi ko na rin matandaan.

"Sino?" Kuryuso kong tanong na mas lalo niyang ikanangisi, natutuwa sa nangyayari.

"I don't know." Sa inis ko ay binato ko sa kaniya ang unang nahawakan ng kamay ko, which is unan ko.

"A-aray ko naman..." Kamot nito sa noo dahil sapol na sapol talaga ang unan na binato ko sa malaki niyang noo.

No offense, Jay.

"Who?" Maldita kong tanong ulit at this time tumayo ako ng hindi nahihilo, pinamewangan ko pa siya.

"Hindi ko alam 'yong name, okay?!" Ano?! parang sinabi na niya sa akin 'to.

"What?! paano kung masamang tao–" She cut me off.

"Shh! una, hindi siya masamang tao. Pangalawa, ang gwapo niya para sabihan mong masamang tao no." Iling-iling nito at nag-imagine pa na nasa harapan lang nito ang lalaking naghatid sa akin.

Pinangningkitan ko ito ng mata at sinamaan ng tingin. Porke ba gwapo hindi na agad masamang tao? wala sa itsura iyon no.

"Paano mo naman na sabing hindi masamang tao, huh?" Nakapamewang na sabi ko rito, napakamot naman ito sa batok niya, nakukulitan na ata sa akin— pwes, hindi ko talaga ito tatantanan.

"Ah.. basta, hindi siya masama dahil kung masama niya sana hindi niya ako binulyawan kanina tungkol sa pag-aalalaga ko sa iyo." Umawang ang labi ko roon.

Pinagalitan siya nito? Wait, this line is so familiar to me...

"Tks! oo, familiar lahat ng line ko na naririnig mo ngayon, eh kasi naman ma'am ang ganda ganda mo naman kasi. Akalain mo 'yon kapag nalasing ka, eh palaging may gwapong lalaking maghahatid sa iyo rito tapos bubulyawan pa ako tungkol sa hindi ko raw maayos na trabao ko sa iyo— kinginang 'yan!" Mahaba nitong lantaya, ako naman ay natulala lang dito.

The Billionaires MaidWhere stories live. Discover now