CHAPTER 4- Still

4.9K 130 1
                                    

Makalipas ang ilang minutong katahimikan ay binasag ito ng tunog nang telepono na nang gagaling sa telepono ni Symon- este Axel. Waalang pasabi itong umalis na hindi ko na lang dinamdam, panigurado kasing girlfriend niya ang tumawag.

"Hey Ele, sorry huh?" Napatingin ako kay Janine nang magsalita ito.

"Don't— I'm okay. Wala naman sa akin 'yon, naiintindihan ko naman siya." Pilit na ngising sabi ko rito, ngumiti sa akin si Janine na alam kong pilit dahil tinatabunan lang nito ang pag-aalalang nararamdaman para sa akin, but I choose to ignore it.

"Are you sure?" Naninimbang na tanong nito, tanging tango lang ang nagawa ko.

Nilibot ko ang tingin ko at nang matagpuan ng mata ko ang bag ko ay kaagad ko iyong kinuha, "I'm sorry pero kailangan ko nang umalis." Baling ko kay Janine, umawang lang ang labi nito at alam kong nagulat ito sa sinabi ko.

"Huh? p-pero hindi pa tayo— okay, sige." Tutol man ay tumango ito.

"Bye, Janine. Catch up tayo sa susunod." Ngumisi ako sa kaniya, alinlangan naman siyang tumango, naguguluhan pa rin sa madalian kong pagpasya.

"Sige, bye, take care." Tinanguan ko lamang ito at nagsimula ng maglakad paalis. Natigilan lang ako nang pigilan ni Janine ang siko ko.

"Oh? bakit?" Nagtatakang tanong ko rito with matching taas kilay pa.

"Wait lang, ipapahatid kita kay kuya para safe." Madalian akong umiling iling.

"No need, alam ko na ang daan pauwi." I assured her para hindi na ito mag-aalala. Muli itong alinlangan na ngumiti at tumango bago ako bitawan nito.

Nagsimula na ulit akong maglakad paalis.

Until now nasasaktan pa rin ako sa narinig kay Sy. Hindi niyo naman siguro ako masisisi kung bakit ganito na lang ang nararamdaman ko, mahal ko siya, eh minahal ko siya at kahit ngayon ganoon pa rin, mahal ko pa rin siya. Hindi ko iyon itatanggi dahil sabi nga niya hindi ako magaling magsinungaling. Part of me want to win Symon's back but knowing na mahal niya ang girlfriend niya ngayon ay napapangiti na lang ako dahil kung mahal ko nga siyang tunay kailangan ko na siyang pakawalan. Magiging masaya naman siguro siya sa bagong mahal niya ngayon di ba? Siguro naman di ba?

Pinagsasabi mo riyan? gano'n gano'n na lang 'yon? susukuan mo na siya? ikaw nga hindi niya sinukuan— sabi nang isip ko.

Kahit anong pilit ko sa sarili ko ay ayaw talaga. Bakit ba ang hirap nito o naniniwala pa rin akong mahal niya pa ako na may pag-asa pa.

"Oh, God! what am I thinking?!" Pilig pilig ko sa ulo ko at ngayon ko lang napansin na nakahinto na pala ako sa harapan nang main gate ng mansion at nakatingala na pala ako sa mansion.

Hindi ko man lang iyon napansin, ah.

I sigh.

Tinalikuran ko na ito at nagsimula nang maglakad paalis. Unang tapak ko pa lang sa putikan na dinaanan namin kanina ni Sy ay halos matapilok na ako. Sa pangalawang tapak ko ay nadulas na talaga ako. Ready na sana akong ilips to lips ang putik nang may humapit sa aking bewang.

Unti unti kong nilingon ang kung sino mang humapit sa akin at sa sandaling nakilala ko kung sino ito ay natutulala na lang ako sa mukha niya. Shit, hindi pa rin talaga nagbago ang apekto niya sa akin. Ganoon na ganoon pa rin, bumibilis ang tibok ng puso, natutulala at pakiramdam ko nagslow mo ang paligid at tanging ako at siya lang ang nakikita ko.

"Tks, stupid." Bumalik ako sa reyalidad nang bitawan niya ako pero kaagad din akong kinabig muli patayo at hinila sa sementong sahig.

Ano raw? Stupid?!

The Billionaires MaidWhere stories live. Discover now