CHAPTER 3- More Than

5.2K 140 8
                                    

Walang imik kami sa biyahe papunta sa kung saan man na sinasabi ni Janine. Nakatingin lang ako sa labas habang si Sy- este Axel ay may katawagang iba. Hindi na ata ang girlfriend niya ang katawagan niya dahil seryuso na ito at hindi na gaya kanina na subrang lambing nang boses nito.

Napangiti na lang ako ng mapait nang maalalang sa akin lang siya malambing noon, pero ngayon nagbago na ang lahat.

Ang sakit sakit pa rin kahit ang tagal na.

Minulat ko ang mata ko nang may naramdaman akong nakatingin sa akin. Kaagad akong napaayos ng upo, nakatulog pala ako. Ang haba naman kasi ng biyahe.

Kaagad umangat ang tingin ko sa mukha ni Sy na puno ng sakit pero kaagad itong sumeryuso. Nakita ko nga bang nasasaktan siya o guni guni ko lang ulit iyo?

"We're here. Fix yourself." Marahan lamang akong tumango at tinignan ang sarili sa salamin na nasa gilid lamang. Nang makitang ayos naman ang itsura ko ay bumaba na rin ako sa kotse gaya ni Sy.

Sa pagbaba ko, kaagad akong namangha sa paligid nang malibot ko ang paningin ko rito.

Manghang mangha ako rito. Ang lawak ng taniman at may mansion sa gitna ng taniman. Ang dami daming bulaklak sa paligid.

Busy lamang ako sa pagtingin sa paligid bahang si Symon- este Axel ay nakapamewang sa gilid ko at nararamdam ko rin ang pagsulyap-sulyap nito- o guni guni ko lang ulit ito .

"Let's go." Tumango ako at mauuna sanang maglakad nang higitin niya ako pabalik. Bumilis kaagad ang tibok ng puso ko nang maramdaman ang balat niya sa balat ko.

"A-anong-" Naputol agad ang sasabihin ko sana nang magsalita siya.

"Tks, hold tight." Hindi ko alam kung bakit niya ako pinapahawak sa siko niya, eh kaya ko namang maglakad.

Ano bang nangyayari sa kaniya?

"B-bakit?" Nalilito kong tanong rito pero narinig ko lang siyang nagtks at marahan akong inalalayang maglakad patungong main gate nang mansion.

Astang bibitawan ko na ang kamay niya dahil wala naman itong kuwenta. Malakas naman kasi ako at kaya ko naman naman ang sarili ko kaya bakit niya ako pinapahawak sa kaniya? lahat ng 'yan ay mabilis nagbago nang makita ko ang dadaanan namin papasok sa main gate nang mansion. Puno ng putik at siguro kapag umapak ka roon lulubog ka kaagad lalo nang naka-heel ako ngayon.

Kaya pala.

Hindi dahil mahal niya pa ako, hindi dahil gusto niya akong mahawakan, hindi dahil gusto niya akong pakiramdaman kundi aalalayan lang bilang isang lalaki.

Oo nga naman. Bakit ko ba naisip iyon? Bakit ko ba naisip na mahal niya pa ako, eh unang una Ele, makinig ka,ikaw ang unang nang-iwan, ikaw ang bumitaw tapos ngayon aasa ka pa rin, huh? aasa ka pa rin?!

Pinalig ko ang ulo ko kaya nagmukha akong nakasandal kay Symon. Nagulat na lang ako nang matarahan nitong itinulak ang ulo ko palayo. Nangdidiri siya sa akin.

Nangdidiri nga siya sa akin dahil akala niya sa ibang lalaki ako galing, akala niya sa iba na ako nanglalambing pero hindi, mali siya, siya pa rin, siya pa rin ang gusto kong manglambing, siya pa rin ang gusto kong lumandi sa akin, siya pa rin at walang iba.

"Tks." Bumalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang boses niya. Inilayo ko na lang ang ulo ko at nahihiyang inilihis ang tingin sa paligid. Ramdam ko kasing nakatingin ngayon sa akin si Symon- este Axel. Bakit ba hindi ko malimutang tawagin siyang Symon. I should start calling him Axel from now on.

He's Axel. I should call him Axel- not Symon.

Kasalukuyan naming binabagtas ang maputik na daan papuntang main gate nang mansion. Malapit lapit na kami rito. Aapak pa sana akong muli nang may marinig akong malakas na tili. 'Wag niyo nang tanungin kong kanino galing iyon.

The Billionaires MaidWhere stories live. Discover now