°~• 𝗞𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝘁𝗮 30 •~°

3.6K 108 15
                                    

(Never give up)


Ito na naman ako, tinatanong ang sarili kong mahal nga ba ako ni symon o pinagloloko niya lang ako, hindi niyo naman siguro ako masisisi diba, ang sakit na kasi, sinabi niyang mahal niya ako pero bakit ganto, iba ang pinapakita niya saakin.

Saan nga ba ako maniniwala?

Sa sinabi niyang mahal niya ako? o Sa pinaparamdam niyang hindi na ako?

Ang hirap, nakakalito na, sana naman kong pinagloloko niya lang ako o gumaganti siya saakin, sabihin niya nalang, pagbibigyan ko nalang siyang saktan ako kisa sa pinalilito niya ako sa galaw at sa sinasabi niya.

Nakakainis naman kasi, mabuti pang masaktan ako sa alam ko na kisa sa malito ako.

Litong lito na ako, gulong gulo na kay symon and i don't know kong kilan pa tatagal ang puso ko sa nararamdamang sakit.

Pano kong sumuko na ako tapos sasabihin na naman nyang mahal niya ako, malilito na naman ako, magtatalo na naman ang puso at isipan ko.

Damn it!!

Nakakainis!!

Ilang beses kong tinuyo ang luhang umaagos ng patuloy saaking mata, kahit anong pahid ko rito ay hindi talaga siya tumitigil, siguro nasaktan siya ng subra.

I smiled.

Pano kaya pigilan ang sarili sa pagiisip ng sa ganon mapigilan ko ang sarili kong isipin si symon.

I look up, where the sky is.

"Lord, can you just give me a sign, 1 sign kong anong gagawin ko o sino ang susundin ko, ang puso ba o ang isip ko?"i whisper in the air.

Gusto ng puso kong baliwalain lahat ng nakikita o naririnig ko, gusto niyang si symon lang ang pakinggan ko.

Gusto naman ng isip ko na sumuko na.

I don't know what to choose.

Pwede bang both nalang?

I laugh with my thoughts.

"Hoy Ele anong drama natin?"Someone cut my thoughts.
Dahan dahan akong lumingon sa likod ko, napairap nalang ako ng makita ito.

"Bat nadito ka?"Mataray kong sabi rito.

"Kasi ako ang nag aassist sayo at nakatira din ako dito, what do you think?"Nakataas na kilay na sabi niya saakin.

Burahin ko yang kilay mo eh.

Amp!

"Tks"Nasabi ko nalang

"Teka nga lang, bakit ako ang tinatanong mo , eh diba dapat ikaw ang tinatanong ko, ang tagal mo kayang nawala tapos para ka nalang kabute na sumusulpot nalang bigla bigla ha, san ka ba galing ha?!"Mas mataray na sabi niya, nakapamewang na rin ito sa harapan ko, i rolled my eyes at her.

"Wala ka nang pake kong san ako galing jayshie"Pinaikot kong muli ang mata ko.

Yes, its jayshie, sino pa ba ang magtataray ng ganto, kundi siya.

"Anong walang pake jan, sabihin mo oh...?" Pabitin na ani nito saakin, mas lalo ring tumaas ang kilay niya saakin.

"O ano?"Napangisi ako ng makitang nagkakapa ito ng madudugtong sa sinasabi niya. 

"Ah basta, dapat mo paring sabihin saakin kong anong nangyare sayo no?!"Naiinis na sabi niya saakin, hindi ko lang ito pinanasin.

"Diba iniwan kita doon sa malaking bahay, anong nagyare sayo doon?, sagutin muko ng maayos portia?!"Galit na talaga ito, minsan lang niya akong tawaging portia eh, dahil sanay akong tinatawag niya akong ele, yun naman talaga ang sinabi kong itawag nila saakin pero kapag gantong portia na ang tawag niya saakin, meaning galit na siya.

The Billionaires MaidWhere stories live. Discover now