CHAPTER 8- Drunk Portia

4.4K 122 0
                                    

JANINE POV

Napangisi na lang ako nang paulit ulit na lumagok ng alak si Ele sa tabi ko at mas lalong lumaki pa ang ngisi ko nang makita kong papalapit na si kuya na nanglilisik ang tingin sa akin.

Opss!

"What the fuck, Janine? You let her drink!" Nanglilisik na singhal nito sa akin, umiigting na rin ang panga nito at nilapitan kaagad si Ele na nakasubsob sa sofa. Patago akong napangisi nang marahan niya itong kinabig sa baywang para ipatayo.

Hindi ka pa rin nagbabago kuya you still care for Ele.

"What? pinagbawalan ko siya pero gusto raw niya, eh." Inosente kong sabi pero nanglilisik lang ang matang tiningnan niya ako pero masuyong hinapalos ang mga takas na buhok ni Ele.

"Manong Kanor!" Malakas na tawag nito sa driver namin. Kaagad namang tumakbo si manong Kanor sa harapan ni kuya na masuyo pa ring hinahawakan sa baywang si Ele.

"Ready the car and please remind me to not allow Janine to date Azrael." Kaagad akong napasimangot sa sinabi niya.

"Yes Sir."

Nadamay na naman ang date namin ni Azi para lang dito, tks... tsk!

He should thank me dahil ako na nga ang gumagawa ng paraan para mahawakan niya ng ganiyan si Ele ng hindi siya nabubuking na ganiyan pa rin siya kabaliw dito, eh.

Hindi naman talaga gusto ni Ele na uminom ng alak, pinilit ko lang talaga ito nang sa gano'n malasing siya at ganito ang mangyari.

Mission Completed!

PORTIA POV

Minulat ko ng kaunti ang mata ko nang may maramdaman akong humahawak sa baywang ko na para bang pinapatayo ako, kaya pinilit ko na lang ding tumayo at tiningnan ito, gumewang pa ako ng kaunti.

Sino ba 'to? Bakit parang may kamukha siya?

"What the fuck, Janine?! You let her drink!" Rinig kong singhal nang may hawak sa akin kay Janine.

Uminom? Sinong uminom?

"What? pinagbawalan ko siya pero gusto raw niya, eh." Napahawak ako sa sintido ko nang kumirot iyon.

"Manong Kanor!" Rinig kong muling sigaw nang humahawak sa akin. Ramdam kong hinigpitan nito ang hawak sa akin kaya tiningala ko ito ng kaunti pero malabo ang mata ko at kumikirot din ang sintido ko kaya hindi ko makita ng maayos ang mukha niya— pero talagang may kamukha siya, eh.

"Ready the car and please remind me to not allow Janine to date Azrael."

"Yes Sir." Napatingin ako sa gilid ko ng may matandang lumapit sa kinaroroanan ko pero mabilis rin namang nawala ito sa paningin ko

"Damn it." Rinig kong asik ng humahawak sa akin. Inalalayan niya akong tumayo ng maayos, pinilit ko naman ang sarili kong makatayo pero talagang lumalambot ang tuhod ko. Kung wala lang itong lalaking nakahawak sa baywang ko, paniguradong nakaluhod na ako ngayon.

"Tks! bakit ba palagi ka na lang naglalasing?" Marahang bulong nito sa akin, napapiksi naman ako.

Bakit parang kaboses niya 'yong malanding Symon na 'yon?

"Hoy! b-bitawan mo 'ko. Panget mo! k-kamukha mo si s-Sy malandi." Mariin kong sabi rito, narinig ko naman ang pagmumura nito.

"Panget? really Portia?" I heard him tks-ed, pero hindi ko ito pinansin at hinawi hawi ang kamay niya sa baywang ko.

"Let me go! kaya kong maglakad." Pero hindi niya ako binitawan, mas lalo lang nitong hingpitan ang pagkakahawak sa akin. Wala naman akong nararamdamang sakit kahit ang higpit ng hawak niya.

The Billionaires MaidWhere stories live. Discover now