KABANATA 52- Date gone wrong

2.9K 86 2
                                    

HINDI ko talaga alam kong anong naisip ko at pumayag akong sumama sa kanya. Oo, may gusto akong sabihin sa kanya pero alam namang nating hindi ko kaya. Alam kong nakakalito pero anong magagawa ko hindi ko talaga kayang sabihin sa kanya ang lahat baka kasi maging magulo na naman.

Magulo na ang paligid at magulo na dati pa pero kapag sinabi ko yun baka mas lalong gumulo.

I sigh before looking at Symon.

Kasalukuyang may katawagan ito sa cellphone niya. Nakatalikod siya saakin pero nakikita ko parin ang mukha niya lalo na kapag umiiling ito.

Sa banda ko nakikita ko ang buong likod niya kaya malaya ko talaga siyang matignan ngayon.

Malaki talaga ang pinagbago niya kong malaki ang katawan niya noon mas malaki na ngayon. Mas naging intimidating din ang awra niya. Subrang laki din ng pinagbago ng kulay ng balat niya. Subrang dami talagang pinagbago niya.

Napayuko ako.

Kong pinili ko bang wag umalis at samahan nalang siya siguro hindi magulo ang paligid namin, masaya kaming nagaasaran o kaya nag aayos ng hardin pero wala eh pinili kong umalis para sa pamilya at para na din sa ikaka-buti niya.

Mali na hindi ko siya pinili at mas naging mali iyun dahil hindi ko sinabi sa kanya ang totoo.

Pano kaya kong iniwan ko siya pero nag sabi ako ng totoo? baka maintindihan niya ako kahit konti non, Baka hindi siya ganito kalamig, baka mabilis lang naming maibalik ang lahat sa dati.

Puro nalang ako nag babasakali pero kahit siguro hilingin ko yan ng paulit ulit hindi na kami babalik sa dati. Maliban na lamang kong mahal niya pa ako—pero mahal niya pa nga ba ako?

Kong tatanungin niyo kong nasan kami ngayon nasa resto parin kami. Naka-upo ako habang siya nakatayo, hindi malayo saakin. Kanina lang habang kumakain kami tumunog ang Cellphone niya ibig sabihin may tumawag, nagpaalam siya saakin na sasagutin niya lang yun. Sa hula ko importante ang dahilan ng pagtawag ng kong sino man sa kanya kasi paminsan-minsan kumukunot ang noo niya tapos nag bubuntong hininga maya maya.

MABILIS kong inayos ang itsura at ang posisyon ko ng natapos niya na ang tawag. Humarap ito saakin at kasabay non ang pag tago niya sa Cellphone niya. Nakangisi itong tumingin sa akin.

"I'm done baby."He cooly said. Umupo ito sa harapan ko.

"So ano na ang gagawin natin ngayon?"Bagot kong sabi pero ang totoo parang kinakabahan na ako sa hindi malawang dahilan. Nilaro laro ko nalang ang baso sa kamay ko.

"Our date is not yet done so let's go for a walk."Kumunot ang noo ko.

"Anong sinasabi mong hindi pa tapos ang date natin?, for your information Mr. Santilian hindi tayo nag d-date, got it?"Nawala ang ngisi niya at umigting ang panga niya.

"We're on a day baby, you like it or not we're having a date and it's not yet done so lets go for a walk."Subrang lamig ng boses niya. May sasabihin pa pala ako pero kaagad niya akong inunahan.

"And i don't take no as an answer."Wala akong nagawa kundi ang sumama nalang dito.

Paiba-iba talaga ang mood niya. Minsan mapagbiro tapos maya-maya nagiging malamig na naman. Pibolar ata talaga to.

KASALUKUYAN kaming naglalakad ngayon sa hallway ng mall. Nakatingin lang ako sa ibang bagay at hindi kailangan man nilingon si Symon na nakasunod saakin. Hindi ko alam kong katabi ko siya o kasunod ko siya, hindi ko kasi siya talaga tinignan. Pinilit ko ang sariling ilabaling isa ibang bagay ang atensiyon ko at nag tagumpay naman ako non.

Napa-tingin ako sa isang resto. Natigilan tuloy ako.

"Ano na kayang nangyayari kina Aybel? sana ayos lang sila."Mahinang bulong ko sa sarili ko. Sa mga oras na ito alam kong napansin na nilang tatlo na wala na ako sa tabi nila at si Jayshie din kaya, baka kasama na nilang tatlo baka nga din hinahanap na nila akong apat. Siguro kailangan ko ng bumalik pero ang tanong pano? Anong gagawin ko para matakasan itong si Symon na nakasunod lang saakin. Malamang hindi niya ako papayagang umalis kaya kailangan kong humanap ng paraan para malayasan siya.

"Earth to my baby"Mabilis akong napalingon sa harapan ko. Ganon nalang ang pag-awang ng labi ko habang tinitignan si Symon na nakakunot ang noo na nakatingin saakin.

"What?"Naiiritang tanong ko. Nameywang ito sa harapan ko.

"What are you thinking?"Puno ng Kursunidad na tanong niya saakin. Natigilan ako.

"Sina Gerkey—"He cut me off.

"Who's that?"Tumalim ang tingin niya saakin.

"My friend."I rolled my eyes.

"A friend? a guy friend?"Pinaikot kong muli ang mata ko.

"He's gay Symon at nakilala mo na siya noon pa"Bagot kong sabi, umawang ang labi nito at parang may inisip.

"Ohhh—i amh yeah, i know him"Napakamot ito sa sariling batok. I rolled my eyes again.

"What about them?"Pagtatanong pa nito. Napaka-chismoso talaga nito.

"Kasama ko silang pumunta dito—"He cut me off.

"At bakit mo sila kasama?"

"Pwede ba patapusin mo, mo na ako"Naiiritang sabi ko, kanina niya pa kaya pinoputol ang sinasabi ko.

"Ok, ok"Nag-taas pa ito ng kamay i tks-ed.

"Kasama ko sila kasi pinapasyal ko sila, kasama ko din yong assistant ko, Jayshie her name, you knew her right?"He nodded.

"And also kailangan ko din ng kauting pahinga kasi—Wait, why the hell i'm explaining my self to you?"Hindi makapaniwalang sabi ko.

"Because i'm your boyfriend? that's a valid reason baby so continue what are you talking"Bagot na sabi niya saakin.

"Anong boyfriend, ang kapal mo"Singhal ko dito. Natawa lang siya saakin kaagad akong nag-iwas ng tingin kasi nararamdaman ko ang pag-pula ng pisnge ko.

I tks-ed.

"Anyway you knew them so can i go back to them now?"Nagbabakasakaling tanong ko. Natigilan siya at nag isip.

"No."Sinamahan niya pa iyon nag pag iling-iling, napa-puot naman ako.

"That—"Sinamahan niya ako ng tingin"Will never work on me so stop doing that before i can't stop my self to kiss you."Umawang ang labi ko at kaagad akong nag-iwas ng tingin.

Wala naman kasing ibig-sabihin ang pag-pout ko.

I pouted again.

"Baby."Pag w-warning niya saakin. I rolled my eyes.

"Oo na pero kailangan ko na talaga bumalik Symon baka kanina pa nila ako hinahanap."He tks-ed.

"But how about me?"Natigilan ako don. Anong ibig niyang sabihin don? itatanong ko sana yun ng biglang may tumulak saakin pero ang kinaka-gulat ko ng halikan niya si Symon. Napa-atras ako sa gulat.

"Hon i've been looking for you, saan ka ba nag punta? akala ko ba hihintayin mo akong matapos sa shopping ko pero nagulat nalang ako ng wala ka na sa tabi ko."Puno ng pagtatampo ang boses ni Shi.

Ok thats enough. Dahan dahan akong umatras at mabilis na tumalikod para hindi ko na makita ang susunod na gagawin pa nilang dalawa.

May sakit akong nararamdam pero binaliwala ko nalang yun, unti unti naman din akong nasanay sa sakit na palagi kong nararamdam kaya siguro hindi na ako iiyak sa pagkakataong ito—Natigilan ako ng maramdam kong nabasa ang pisnge ko.

I still can't stop crying because of him.

"Still can't"I bitterly whisper.

A/N:
I'm still busy but thank god nasingit ko to, so enjoy reading baebesh and have a nice day.

The Billionaires MaidWhere stories live. Discover now