CHAPTER 1- Mysterious Man

8K 143 3
                                    

"Argh! Ang sakit ng ulo ko." Halos magpa-gulong gulong na ako sa kama dahil sa sakit ng ulo ko. Kaka-gising ko lang at bumungad agad sa akin ang masakit at kumikirot kong ulo, probably hang-over.

Pinilit kong tumayo para maka-labas sa kuwarto pero kaagad akong bumagsak sa kama ko.

"Shit!" Napamura na lang akong muli at muling sinapo ang ulo ko dahil kumirot na naman ito.

"Sa wakas na-gising ka rin..." Mabilis umangat ang tingin ko sa babaeng nakasandal sa pintuan nang kuwarto ko.

It's Jayshie, my assistant.

"What happened?" Nagtatakang tingin ang binigay ko rito pero inirapan lang ako nito at lumapit sa akin.

Padabog itong umupo sa tabi ko, gumilid ako ng kaunti para bigyan siya ng puwesto, "Naglasing ka," Obviously? inirapan ko kaagad ito. Ngumisi lang siya sa akin.

"Malamang sa malamang girl naglasing ka tapos umuwi ka rito, the end." Bagot na sabi nito. Walang kuwenta talaga 'tong kausap, matino lang 'to kapag kasama ko si Manager Lane.. speaking of Manager Lane, where is she?

"At kong hinahanap mo si Manager Lane 'wag mo nang hanapin 'yon dahil paniguradong nasa asawa at may ginagawang kababalaghan." Napa-ngiwi agad ako sa lantad niyang sinabi sa akin.

"Alam niya ba?" Kinabahan agad ako rito, hindi puwedeng malaman niyang nagbar ako dahil binilin niyang bago siya umalis ay mag pahinga ako dahil may contract signing daw'ng magaganap ngayon.

"Of course not, gaya ng binilin mo hindi ko sinabi." Naka-hinga kaagad ako ng maluwag, kaya ko nakaka-sundo itong si Jayshie, eh nasa side ko kasi siya palagi.

"But-" 'Yon lang,

"Ano?" Kinakabahan kong tanong, bumingisngis naman siya sa harapan ko, natutuwa sa pangyayari.

"Wala lang." Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Jusko, kaunti na lang talaga babatukan ko 'tong hinayupak na 'to.

Inirapan ko lang siya at tumayo na, tumalon talon muna ako para maka-siguradong hindi manghihina ang tuhod ko, kasi hanggang ngayon nararamdaman ko pa rin ang pagkirot ng ulo ko.

"Nakahanda na ba ang kakainin ko?" Baling na tanong ko kay Jayshie nang tumango ito ay nilampasan ko na ito at diretsong naglakad papuntang kusina. Narinig ko naman ang yapak ng paa galing sa likod ko tanda nang sinusundan ako ni Jayshie pero hindi ko na lang ito pinansin.

Sinuyod ko muna nang tingin ang kabuoan ng kusina at nang makitang kompleto at maayos na ang nasa lapag ay kaagad akong umupo. Umupo rin naman kaagad sa harapan ko si Jayshie na may nakakalukong ngisi pa rin sa labi, again hindi ko ito pinansin.

"Nga pala sinong nag-uwi sa akin?" Basag ko sa sandaling katahimikang namamagitan sa amin. Umangat naman kaagad ang tingin nito sa akin, tinaasan ko lang siya ng kilay.

"'Yong mga bakla mong kaibigan." Napatango na lang ako, mahirap mang paniwalaan ang sinabi niya dahil alam kong lasing na lasing na ang mga bakla noong iniwan ko pero base sa tuno niya nang sinabi niyang ang mga bakla nga ang nag-uwi sa akin ay naniwala na lang ako.

Siguraduhin niya lang na nagsasabi siya ng totoo kundi talagang babatukan ko siya.

Pagkatapos naming kumain ay mabilis akong bumalik sa kuwarto ko upang maka-ligo at makapagpalit na nang damit.

The Billionaires MaidWhere stories live. Discover now