KABANATA 80- Siya ang una

4.3K 106 29
                                    


"ANONG meron?"Takang tanong ko dito ng makitang aligaga siya at parang hindi mapakali.

"Nah, nothing. Don't mind me."He smiled shyly, Napa-iling iling nalang ako. Weird talaga ng lalaking to kahit kilan.

Hindi ko nalang ito pinansin at bumaling nalang ang tingin sa malaki niyang sofa, napatingin ako sa tv nang makitang naka-off ito. Akala ko ba manunuod siya ng tv ngayon? Sabi niya sakin yan kanina eh.

"Hey, I thought you will watch tv?"Bigla itong natigilan na parang na nahuli sa akto.

"Ah... Oo, pero ang pangit pala ng palabas."Ngumiti ito pero parang pilit. Weird.

"Ano bang palabas? Ako nalang manunuod."Bigla itong nataranta kaya napa-kunot ang noo ko. Ano ba talagang meron?

"Ewan ko sayo, basta manunuod ako."Inirapan ko ito at lumapit na sa malawak na sala niya. Uupo na Sana ako sa isa sa mga upuan ng humarang siya saakin. Tinaasan ko siya ng kilay.

"May problema ba? Hindi na ba ako pwedeng manuod ng tv ngayon?"Nakataas kilay kong tanong rito, naiilang na ngumiti ito. Problema nito?

"Sabi ko nga, ang pangit ng palabas kaya wag ka nalang manunuod."I smell something fishy. Parang may mali, parang may tinatago ito.

"Iba naman siguro ang taste natin sa mga palabas, baka pangit sayo at maganda saakin. Tabi nga, manunuod ako."Ngumuwi siya kaya tinaasan ko siya ng kilay, napilitan itong tumabi. Ngisihan ko ito at umupo nalang sa sofa.

Kaagad kong inabot ang remote at mabilis na binuksan ang tv. Nakangiting nakatingin lang ako sa harapan ng tv pero parang bulang biglang nawala ang ngiti sa labi ko at mabilis iyung umawang sa gulat.

"So Mr. Santilian, we heard about this maid ft hidden lover of yours. Totoo po ba ito?"

Seriously? Ako ba ang tinutukoy nila?

"Of course,"Don't tell me i de-deny niya ako pagkatapos ng nangyari saamin?"Of course, no. Hindi totoo ang balitang yan."Parang nawasak ng ilang beses ang puso ko dahil don.

Talaga ba Sy? Hindi ako totoo. Wow, just wow. Ang galing!

"Omg! Kong sino man ang nag pakalat sa maling balita na yan, I will surely sue you!"Naiinis na sabi ni Shi, hindi na ako nagulat ng biglang naging maamo ang mukha nito ng lumingon sa kanya si Symon.

Bitch!

"Turn off the tv Porsh."Hindi ko pinansin si Haron.

"Ayoko."Matigas kong sabi at Inirapan siya, huminga ito ng malalim.

"Just turn it off please."Umiling-iling ako at pinanuod lang ang tv kong saan nag lalandian na silang dalawa. Ngayon ko lang napansin, bagay sila. Mga malalandi, Tks!

"Please Porsh? Masasaktan ka lang."Ngisihan ko lang siya kahit gustong gusto ko ng I off ang tv at tumakbo palabas.

Ang sakit! Subra!

"No, why would I? I'm moving on, dapat ko lang makita to."Liar! Sinungaling ka talaga kahit kilan Portia! Hindi mo magagawang kalimutan siya—o kahit subukan lang.

"Alam mo naman sigurong hindi ka talaga marunong mag sinungaling 'di ba?"Nag-iwas nalang ako ng tingin dito.

I know.

DUMAAN ang buong mag hapon na subrang inip na inip ako sa Mansion ni Haron. Masaya naman sana dito kong may tao akong makikita pero ni isa wala talaga. Walang mga kasambahay na pwede ko sanang makausap o mga nag babantay dito. Ano ba namang bahay 'to. I sigh.

Kailangan ko muna talagang mag tiis sa bahay—Mansion na ito pansamantala. Napagpasyahan kong mag pahinga muna sa magulong mundong ito.

I sigh again.

The Billionaires MaidWhere stories live. Discover now