°~• KABANATA 17 •~°

4.2K 128 8
                                    

(My baby)

Kasalukuyang nasa likod ng mansion ang mag-ina ,nasa garden ang mga ito

"Ang ganda talaga ng Goldy ko"Natutuwang sabi ng isang ginang sa isang batang may mala-gold na buhok at mata

"Thankyou po"Magiliw na sabi ng bata ,napangiti naman ang ginang dahil sa pagkagiliw ng batang babae ,hinaplos haplos ng ginang ang buhok ng batang babae

"Bakit po ganto ang buhok ko mommy"Inosenteng tanong ng bata sa mommy niya

"Were the same baby goldy ,look at my hair ,its color gold also right"Natutuwang sabi ng ina ng batang babae ,the little girl giggled .

"Oo nga po mommy ,were the same ,were both beautiful"She giggled again ,mas lalong lumaki ang ngiti ng ginang sa anak

"Yes ,of course anak ,alagaan mong mabuti ang buhok mo oke ,para same parin tayo"Sabi ng ginang habang hinahaplos ang buhok ng kanyang anak ,tumango tango naman ang bata

Halos mapatalon ako ng kumidlat ,nataranta din ako ng mahawakan ko ang pisnge ko ,basa iyun ,umiiyak ako?

"What was that?"Hindi makapaniwalang sabi ko 

Sino ang babaeng yun?

A litte girl with a gold eyes and hair just like me 

Ako ba ang batang iyun?–Oh crap ,of course not ,hindi ako iyun ,sa pagkakatanda ko may malaking mansion sa likod noong mommy at anak ,hindi naman ako mayaman kaya hindi nga ako iyun.

Napabuntong hininga nalang ako sa mga iniisip ko ,nakakapagtaka lang kasi eh ,bakit ko napapanaginipan ang mga ganon kong hindi naman pala ako iyun ,simula nong umalis ako sa bansa ,at tumira pansamantala sa america ay palagi ko nang napapanaginipan ang mag-inang iyun ,at hindi lang iyun ang buong pamilya nila at kong gaano nila inalaagaan ang batang may gold hair at eyes ,ang swerte naman niya noh.

Muli akong napabuntong hininga sa tuno ko para akong naiinggit ,nakakainggit naman kasi iyong bata ,mahal na mahal siya ng mga magulang niya ,samantalang ako ,wala,walang nagmamahal ,walang magulang eh .

Pinilig ko ang ulo sa mga iniisip ,At sa iba binaling ang atensiyon ,napatingin ako sa paligid ,gabi na pala ?,hihiga na sana ako muli ng madako ang paningin ko sa lalaking mahimbing ang tulog sa gilid ko ,napangiti nalang ako ,napagod ata siya sa pagaalaga saakin ,pinagmasdan ko lang siya hangang sa hilahin ako ng antok

Takot mang baka paggising ko ay wala na siya ,ay nagpahila parin ako sa antok.

I hope he will not leave me .

__________

Dahan dahan kong inimulat ang mata ko ng may naramdaman akong dalawang pares ng mata ang nakatingin saakin ,at sa pagmulat ng mata ko ay kaagad bumungad saakin ang mukha ni sy ,ganon nalang ang paglaki ng mata ko ng nag sink in saakin ang iniisip ko ,si sy nakatingin saakin ,and by thinking by that ay natataranta akong inayos ang mukha ,dahil paniguradong sabog ako ngayon .

NAKAKAHIYA!!

I heard him tks-ed na ikina-pula ng mukha ko dahil alam kong para akong tanga na nagpapanic na iayos ang mukha at namumula sa harapan niya–Shet naman talaga oh!

"Bakit nandito ka pa?"Mahinang tanong ko rito ,at hindi ko siya gaanong tignignan dahil nakakahiya parin. Alam kong nakataas na ngayon ang kilay niya saakin.

Alam kong hiniling ko na sana paggising ko ay nandito pa siya ,pero nakakapagtaka lang na talagang natupad iyun ,at nanatili siya.

"Ako ang nagalaga sayo ,sympre paggising mo nandito ako ,hindi naman ako katulad mo na mangiiwan"Walang preno niyang sabi ,and that caught me off guard .

The Billionaires MaidWhere stories live. Discover now