Kabanata 48

3K 82 1
                                    


(Bisita)


ANG buong biyahe na kasama si Symon ay parang wala lang, hindi kami nag pansinan, kahit mag katabi kami sa upuan hindi kami tumingin sa isat-isa, wala akong narinig kundi ingay ng kotse at hininga ko lamang, hindi rin kasi siya umimik.

Nakatingin lamang ako sa labas ng kotse buong biyahe, na hihiya din akong lingonin siya baka kasi mag tagpo ang tingin namin.

Hanggang sa nakarating kami sa bahay ay wala paring ni isang umimik saaming dalawa kaya walang imik akong bumaba. Nang maka-baba ako inisang lingon ko lang siya at aastang magpapa-salamat ng patakbuhin niya na ang kotse, napa-ngiwi nalang ako.

"Ide Wow symon, pagkatapos mong landiin ako magiging malamig ka na naman saakin, sarap mo talagang batukan"Naiinis kong sabi sa sarili ko.

"Sinong kausap mo jan"Napatalon ako sa gulat ng may mag salita sa likod ko.

"Ano ba naman, wag ka ngang manggulat"Naiinis kong sabi sa kanya.

"Sorry naman ma'am, nag hintay lang naman po kasi ako sayo hanggang sa umuwi ka tapos maiinis ka pa saakin dahil lang sa ginulat kita"Puno ng sarcasm na sabi niya, napa-ikot naman ang mata ko sa sinabi niya.

"Wala naman akong sinabing hintayin mo ako"Ngumisi siya saakin.

"Pinilit ako, gets mo?, pinilit lang naman ako ni Manager Lane na hintayin ka dito, baka daw kasi napano ka"May bahid na sarcasm parin niyang sabi, umikot lang muli ang mata ko, at na-una ng maglakad.

"And so?"Naglakad nalang ako palayo sa kanya, baka abutin pa kami ng siyam siyam sa sasabihin niya.

"Hindi pa ako tapos—"Hindi ko siya pinakinggan.

Daming satsat nitong si Jayshie, hindi nalang ako pagpahingahin. Tuloy tuloy lang ang lakad ko, at hindi na pinansin si Jayshie tutal naka-sunod naman siya saakin.

NANG makarating ako sa Condo ko kaagad akong pumunta sa Kwarto ko pero ganon nalang ang paglaki ng mata ko sa nakita ko.

"Anong ginagawa niyo dito?"Gulat kong ani sa kanila. Tumingin agad ako kay Jayshie na may pagtatanong sa mata.

"Tks, yan sana ang sasabihin ko sayo pero gusto mo ng mag-pahinga diba, o ide tabi tabi kayo sa higaan"Nakangising sabi ni Jayshie.

"O siya, maiwan ko muna kayo, at ako'y mag papahinga na, ako'y pagod sa paghintay sa kanya, malamig pa naman din"Natatawang sabi ni Jayshie at iniwan na ako kasama nila.

Wala akong nagawa kundi ang bumuntong hininga at tumingin sa kanila, ngumiti sila saakin.

"Ang tagal mo kasi Ele, wala ka ding sinabi saamin, akala namin kong napano ka na—"

"Wala bang sinabi sainyo si Jayshie kong nasaan ako?"Natigilan sila.

"M-may sinabi naman"Tumaas ang kilay ko aybel.

"Pero m-malay ba namin kong totoo o hindi ang sinasabi niya, d-diba?"Tumango tango naman ang dalawa sa likod niya.

I tks-ed.

"Seryuso ba kayo?"Nagtinginan sila sa isat isa at sabay sabay silang tumango

"Ano ba kasing ginagawa niyo dito?"Paunang tanong ko at dahil pagod na ako, umupo ako sa sofa, silang tatlo ay napatingin saakin. Nang maka-upo ako tinignan ko sila.

"Ano wala bang sasagot saakin?"Naka-taas kong kilay.

"Eh kasi Ele, bini-bisita ka lang namin tapos tinanong namin yong Jayshie, kong nasaan ka kasi hindi ka talaga namin makita kahit don sa Manager mo, wala ka padin kaya pumunta nalang kami dito"

"Anong oras kayo nandito?"Natigilan sila at nag isip.

"Oras ba?—amhhh 9 hours? hindi na namin alam basta nandito kami buong maghapon"Nanlaki ang mata ko.

"Hinintay niyo talaga ako nang ganon ka tagal?"Sabay sabay silang tumango, napaawang nalang ang labi ko don.

"Seryuso talaga kayo?"Napakamot naman sila sa kani-kanilang batok.

"Ano ba naman tong si Ele, paulit ulit ang tanong oo nga kasi, itong si Aybel lang naman ang hindi sineryuso—"

"Ay wow nahiya naman ako sayong pini-perahan lang, pst 150"Natatawang sabi niya.

"Oh tama na yan, baka mag away pa kayo rito"Awat ko sa kanila pero ang totoo parang gusto ko nalang silang mag away, pangpagaan lang ng loob.

"Tama na daw"

"Sipsip"

"Mukha mo mukhang sipsip"Wala na akong nagawa kundi ang tumawa nalang.

"Napatawa din natin si Ele"Natutuwa nilang sabi, natigilan naman ako.

"H-ha?"

"Nandito talaga kami para patawanin ka, sabi din kasi nong Jayshie na subrang lungkot mo daw nitong mga nakaraang araw"Mapait naman akong napangiti ng maalala ang dahilan ng pagkalungkot ko noon.

"Ay wala na yun, tapos na ang mga araw na yun"Pilit na ngiting sabi ko.

"Talaga lang ha?"Tumango ako.

"Matulog na nga lang tayo ang haba na ng usapan natin, pagod pa naman din ako, gusto ko ng mag pahinga"

"Kami din, tara tulog na tayo, kanina pa talaga ako inaantok"

"Sige, teka lang mag-bibihis muna ako"Doon napataas ang kilay ko.

"May dala kang damit?"Napatingin naman siya saakin

"Damit? Oo naman girls scout ata to"Proud niyang sabi at ganon nalang ang pag-awang ng labi ko nang bigla niyang itinaas ang dalawang malalaking bag, at binuksan sa harapan ko.

"Akala ko ba bibisita lang"Bulong ko sa sarili ko.

Mahabang-habang araw ko ata silang makakasama.

The Billionaires MaidWhere stories live. Discover now