KABANATA 49- The owner

3.2K 94 4
                                    


MAAGA akong nagising ngayong araw, iba naman kasi ang araw na ito, dahil may kasama ako sa kwarto at tatlo pa, hindi naman sa nag rereklamo ako kasi sanay na naman ako na may katabi sa kwarto.

Sinadya ko din kasing maagang magising ngayon kasi ipapasyal ko silang tatlo sa Mall, pang-bawi nadin sa kanila, ang tagal kaya nilang hinintay ako kaya dapat bumawi talaga ako.

"Aga natin ngayon ah, may pupuntahan ka na naman ba?"Chismosa talaga nitong si Jayshie.

"Oh bakit ka nag tatanong? baka isinghal mo na naman saakin yan"Napa-ngiwi naman siya sa sinabi ko.

"Wag mo nalang sabihin pero kapag nag tanong na naman saakin si Manager Lane, sasabihin ko sa kanyang tumakas ka saakin at umalis ka na naman"Pananakot niya saakin, napataas naman ang kilay ko.

Aba aba, marunong na pala siyang manakot ngayon, ano kayang nangyari sa babaeng ito sa mga nakalipas na araw.

"Oo na, pupunta kami ngayon sa Mall, ipapasyal ko sila, pang bawi na din sa kanila"

"Sa kanila lang? hindi ako kasali? aba Ele hinintay din kita, at sa labas pa talaga, ha? alam mo bang napaka-lamig sa labas pero nag stay padin ako don kasi nga hinihintay—"I cut her off.

"Oo na, oo na, ang dami mong satsat, maligo kana, isasama na kita. Gisingin ko muna ang tatlong yun."

"Aba dapat lang!"Pa-asik niyang sabi at kaagad akong inawan at pumasok na siya sa sariling kwarto.

Kaagad akong tumingin sa aking kwarto at napa-buntong hininga nalang.

IMBIS na gisingin ang natutulog sa aking kama, dumiresto nalang ako sa cr. Na pagpasyahan kong maligo muna bago sa gisingin, hinanda ko na lahat ng susuotin ko at pumasok na sa cr.

NANG MATAPOS ako sa pagligo at pagbihis ay kaagad kong ginising ang tatlong hanggang ngayon natutulog parin.

Napa-buntong hininga nalang ako kasi parang hindi pa sila magigising, ang himbing pa ng tulog nila kaya nag dadalawang isip akong gisingin sila.

"Wag ko nalang kaya ituloy ang plano ko?"mahinang bulong ko sa sarili ko

"Bukas ko nalang siguro sila ipapasyal parang pagod na pagod talaga sila sa ginawa nilang paghintay saakin kagabi."Nasabi ko nalang, at iniwan nalang sila doon.

"Oh asan na sila? ready na ako."Nakangiting sabi niya saakin.

Pano ko ba to sasabihin sa kanya? hindi matutuloy ang lakad natin kasi pagod silang tatlo? ganon ba dapat? baka mag tampo siya saakin, bihis na bihis pa naman siya halatang nag ayos talaga siya.

"Hoy Ele, ano na? ang tagal naman nilang lumabas, akala ko ba mag m-mall tayo, bakit ang tagal nila?"Maarteng sabi niya saakin.

"Ele... "Pakantang sabi niya at may bahid na din ng pagka-irita.

"A-ahm, a-ano 'yun?"Tumaas ang kilay niya saakin.

She tks-ed.

"Wala pa ba sila?"Tanong niyang muli saakin. Napa-lingon lingon tuloy ako sa gilid ko at nagkakapa ng sasabihin.

"Ele... "Naiinip na sabi niya saakin.

"A-ano kasi, h-hindi pa sila gising kaya siguro b-bukas nalang tayo tumuloy."Nahihiya kong sabi, napa-awang ang labi niya at hindi maka-paniwalang tumingin saakin.

"Ano?! hindi pwede, dapat gumising sila jan, sayang naman itong damit ko!"Naiiritang pumunta siya sa kwarto ko kong nasan mahimbing na natutulog ang tatlo.

Nataranta agad ako baka kasi gisingin niya pagod pa naman din yong tatlo, mabilis ko siyang sinundan.

"Hoy Jayshie, teka lang!"

The Billionaires MaidWhere stories live. Discover now