#6 WHAT?? O_O

78 1 0
                                    

Minsan ay may mga bagay na hindi natin inaasahang mangyari. Masakit man pero ang katotohanan ay hindi panaginip na kung kalian mo gustuhing gumising ay magigising at magigising ka talaga. Hindi tulad ng katotohanan na hindi pwedeng takasan, haharapin at haharapin mo talaga….(huh?) Basta! Yon na yon (Ano namang konek nyan?) Malay ko? Basta may masabi lang haha! (Ah.. OK.) Psh!

O sige balik na po tayo sa kwento, wag na po kayong mag abalang basahin yung nasa taas. Extra lang yan (Weh? Eh nabasa na kaya nila??)

*********

Ang pagpapatuloy….

“Kwintas ko? Nagpapatawa ka ba? Ba’t naman ako magsusuot ng basura?? At saka alam mo, pwede ka nang maging writer. Ang galing mong magtagpi-tagpi ng mga kwento” sabi ni nya

Shitsui…. Bakit…. Bakit ka nagkakaganyan? Anong nangyari sayo? Ba’t hindi mo na ako makilala? A-akala ko ba ay walang magbabago? Hindi na ako nakapagpigil. Dahil sa sinabi nyang iyon ay hinila ko ang buhok nya!

“Nakakainis ka na!! Hindi na nakakatuwa yang mga biro mo!!!”

Nakakainis na talaga eh. Nakita ko ang pagkabigla ng mukha nya at sumunod ang pagdidilim nito O_O

“Ako na ang kinakabahan sa ginagawa ng babae kay Tatsumo…” narinig kong sabi nung isa sa dalawang napadaan malapit sa kinaroroonan namin

“Siguradong manganganib ang buhay nya dito sa school. Babae pa naman sya…” bulong din nung isa.. (Oo, yung bulong na naririnig kahit malayo ang distansya nyo XD)

“Hoy kayong dalawa! Anong pinagbubulungan nyo dyan?! At bitawan mo nga akong babae ka!” Saka ako itinulak ng malakas. Bumagsak ako sa lupa, ang sakit! T_T

“Yumi, halika na. Bilian natin!”

“O-oo!” sabi din nung isa

Ang weird. Ano ba talaga ang nangyayari? Bakit ganon na lang yung takot ng dalawa kay Shitsui? Parang leon ata ang tingin nila dito eh na ano mang oras ay susunggaban sila

“At ikaw!!” nagulat naman ako O_O “Palalagpasin ko ang ginawa mo ngayon!”

“Shitsui…”

“Huwag na huwag mo akong matawag-tawag sa pangalan ko dahil hindi kita kilala!!”

Hindi na ako umimik. Nanatili lang akong nakaupo

“Ang taong nasa harap mo ngayon ay mapanganib kaya binabalaan kita. Huwag na huwag kang magtatangkang lumapit sa akin! Hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin lalo na sa mga taong hindi ko gusto at isa ka na doon!” sigaw nya sa akin at pagkatapos ay umalis na…

Nakakatakot…..

Hindi ko alam pero takot na ang nararamdaman ko sa kanya.. Anong ibig nyang sabihin na mapanganib? Hindi ako makapaniwala… Sinigawan nya ako.. P-parang ibang tao na ngayon ang nasa katauhan ni Shitsui… Nasaan na ba ang dating Shitsui???

*********

Tapos na ang klase sa hapon. Pumunta ako sa library para magresearch. Medyo maaga pa naman. Magtataxi na lang siguro ako kung male-late ako ng uwi.

Nasa section G par in ako. Yun ang pinili ko dahil mas komportable ako sa dati kong section.

Pagkatapos kong magresearch,nagpahinga muna ako sa isa sa mga bench sa school park.

Hayy…. Sumagi nanaman sya sa isip ko. Lalo na yung ginawa nya.. minsan nga, naiisip kong sana ay panaginip lang ang lahat.. Ano ba talaga ang nangyari at nagkaganoon sya?

“Mukhang may problema tayo ah”

“H-ha?” nagulat naman ako. Hindi ko na namalayang may naupo na pala sa tabi ko

Memories BlossomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon