# 31 ICE CREAM

63 1 0
                                    

Haha. Pasensya na, walang maisip na title para sa chap na ito XD

****

"Shitsui, huwag na!!" pigil ko kay Shitsui

At nakapagtataka, lahat ay natigilan. Para bang tumigil ang sandali sa aming paligid? Nagkatinginan sila

"T-tama ba yung n-narinig naming tawag mo sa lalaking yan?" pigil ang hingang tanong nung isang adik

"S-Shitsui k-kamo? As in, SHITSUI TATSUMO?" tanong din nung isa

"Ampotek mo pre! Bakit mo binanggit yung pangalan??!" saway nung isang adik

"Hala! Wala a-akong binanggit n-noh!! Wala kayong narinig di ba??"

"Pagbilang ko tatlo mga dre, alam nyo na a-ang gagawin!"

At sabay-sabay nilang tiningnan si Shitsui na namumutla na ang mga mukha

"ISA...DALAWA...TATLO! TAKBOO!!!"

At nag una-unahan silang tumakbo. Grabe, ganon pala katindi ang dating ng mokong na 'to sa kanila?

"Shi-Shitsui Tatsumo?" ulit nung isang babaeng parang hindi parin maka get over sa narinig

"Girls, d-di ba yun yung leader ng V-Varsity Gang sa Hino High?? At lahat daw sila ay mga good looking" bulong nung isa.

"OMG.. Kung ganon ay kaharap natin ang mismong leader nila!" bulong din nung isa na parang nanginginig na sa takot

Nagbulungan pa eh dinig naman dito -.-

"Sino kaya sa inyo ang uunahin kong ipasok sa sako at ihagis sa malalim na balong walang tubig?" seryosong baling ni Shitsui sa mga babae. At isa-isa nyang itinuro ang mga babae na parang nagbebentot-bentot. Ano 'to, exam?

Bigla kong nasapo ang dibdib ko, huwag nya sabihing totohanin talaga niyang gawin yon. Eh parang gagawin nya talaga eh

"Shitsui, wag mo naman silang takutin ng ganyan. Tara na nga!"

"Tatsumo" taas ang kilay nyang pagtatama sa pagtawag ko

"Psh. Sige na Tatsumo, doon na lang tayo sa kabila. Tara?"

At ngumiti sya ng malapad sa akin. Huy, hindi ako assuming ha pero yung ngiting parang nagpa-pacute? Ewan ko sa lalaking ito. Pabago-bago ang mood

"Pasalamat kayo at sa kabila ng ginawa nyo sa reyna ko ay mabait pa rin sya. Subukan nyong ulitin ang ginawa ninyo at hindi ko lang kayo kakalbuhin. Ilalampaso ko pa yang pagmumukha nyo sa semento" tsk. Kung makapagbanta naman ito T_T

"P-Patawad po sa inyo..." mangiyak-ngiyak nang hingi nila ng tawad

"At sa oras na---"

"TATSUMO! TARA NA NGA!!" at hinila ko na sya. Mukhang hihirit pa eh

----

"O, hindi mo pa kinakain ang ice cream mo ah? Natutunaw na oh" Shitsui

"Sayo na lang?" abot ko sa kanya

"Ubusin mo yan, naghirap pa akong hanapin ulit yung nagtitinda ng ice cream na yan dito tapos ay di mo kakainin?" ayan, nasermunan tuloy ako. Nakabili pa kasi sya ulit dahil hindi na nya namalayang natapon pala nya ang hawak na ice cream sa inis

Parang nawalan na nga ako ng gana sa nangyari kanina eh. Kaw ba naman ang buhusan ng softdrinks. Kahiya kaya yun, buti kung walang nakakita

"Akin na nga yan" agaw ni Shitsui sa hawak kong ice cream

"Akala ko ba ay di ka kumakain ng ice cream?"

"Sinabi ko bang ako ang kakain? Ako na susubo sayo" Shitsui

Pfffft... Seryoso ang lalaking ito? Ni hindi nga nito kayang magpaka sweet sa ganitong klaseng lugar e haha

"Haha" ako

"Anong nakakatawa? Say ahhhh.." uy, seryoso nga! Susubuan talaga ako *_*?

"Akin na nga yan, wag mo na akong subuan" at pilit kong inaabot ang ice cream pero ayaw nyang ibigay

"Hihihi... Nahihiya pa ang baby ko, oh. Say ahhh..." potek, pasaway talaga

"Ako na sabi eh!!" agaw ko parin ng ice cream

"Ayaw mo ha.." at bigla syang kumagat sa ice cream "Akin na lang ito ok?" *chomp chomp*

"Waaahh!! Ang ice cream ko...."

At ang maginoong lalaki, inubos talaga yung ice cream T_T

"Sabi na kasing subuan kita eh.. Pero infairness, masarap! ^^"

"Cheh!" sabay palo sa braso, 'langya talaga psh!

"Teka, ngayon ko lang napansin. Ba't basa ang ulo mo?" Shitsui

"Ha?"

At may kinuhang bagay si Shitsui sa kanyang bulsa at ipinunas sa ulo ko. Waah.. Nata-touch ako =')

At nang nakita kong maigi ang bagay na yon.. PFFFFT..... Gusto kong matawa. Eh nakikila ko yang panyo na yan. Pambabaeng-babae ang style. Sa akin yan ee^^ Yan yung binalot ko sa kamay nya nung gabing nakulong kami sa classroom :D

Lihim akong natuwa. Akalain nyo yun? Tinago pala nya at dinadala sa bulsa nya!

At mukhang ngayon lang din napansin ni Shitsui ang panyong ipinampunas sa ulo ko

At ngumiti sya sa akin. Yung ngiting NAHIHIYA? Haha ang cute

"Hehe... Ehm... Dito muna ito sa akin ^^,> "

"Gumagamit ka na pala ng panyo ngayon? Alam mo si Shitsui dati, di nagdadala ng panyo" ako

"T-talaga?"

"Uhmm^^ " nakangiting sagot ko

*katahimikan*

"Ahh... Kitari, may itatanong sana ako sayo"

"Ano yon?"

"Ahh... Close ba kayo ni Shitsui noon?"

"Hehe... Naitanong mo na yan sa akin dati ah. Oo naman, close na close tayo noon. At anong klaseng tanong yan? Dapat 'Close ba TAYO noon?"

Memories BlossomWhere stories live. Discover now