# 19 LETTER

78 2 0
                                    

Tabang naman ng taste ng lalaking gumawa nito at naisipang si Kitari pa ang pagbigyan

Wala pa daw nagtakang manligaw huh

Pwes, babasahin ko ‘to ^^

Maingat kong kinuha ang laman ng sobre

Kinikilabutan ako habang binabasa ang sulat. Sino kaya gumawa nito? Ang korni, kalalaking tao hindi na nahiya. Kahit ako, hindi ko ‘to kayang sabihin sa sulat kahit gaano ko kagusto ang tao. OA!

(At nang mapadako ang tingin ni Shitsui sa baba kung saan nakasulat ang pangalan ng gumawa….)

S-Shitsui?? T-teka… P-pangalan ko ‘to ah, ako pala ang gumawa?? Kaya pala pareho kami ng sulat-kamay! (Biglang ibinalik ang sulat kung saan nakaipit)

Hindi ako makapaniwala! (Biglang naalala ang nakasulat kaya ipinilig ang ulo)

Haist! Wala wala wala! Wala akong nabasa! Saan na ba ang assignment na sinasabi niya!

***AFTER 30 MINUTES***

Tinatamad na ako….

Ang dami pala neto, humanda sa akin ang babaeng iyon. Ginagawa na ata akong alipin eh tss!

Hindi sa nahihirapan ako pero tamad lang talaga ako ngayon-.-

*TOK TOK TOK*

“Hannah, Shitsui, kakain na!” si tita pala

“Opo, sandali lang” ako

(Sa hapagkainan)

“Teka, si Hannah?” Tita

“Hindi ko po alam” ako

“Hindi pa pala siya bumababa?” tito

“Siguradong nakatulog nanaman ang batang iyon. Teka lang at gigisingin ko muna” ani tita na tatayo na sana

“Ako na lang po ang gigising sa kanya tita”

“Naku iho, mahihirapan ka lang na gisingin iyon” tita

“Sige lang, ako po itong hindi pa sumusubo” giit ko

“Ikaw ang bahala, salamat iho” at umupo na siya ulit

(Hinanap ni Shitsui ang kwarto ni Hannah at nahanap na nga niya ito)

Andito na ako sa tapat ng kwarto niya, suguradong ito na kwarto niya dahil sa mga kung anu-anong mga tsetseburetseng nakalagay sa pinto niya.

Inikot ko ang doorknob, hindi niya ni-lock

Pumasok na nga ako at gtama sina Tita, nakatulog nga! Mukhang ang sarap ng tulog.

Humanda kang Kitari ka, gugulatin kita

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Gigisingin ko lang naman siya sa pamamagitan ng pagsigaw malapit sa kanyang tenga^^

Pero nang papalapit na ako sa kanya ay bigla ko na lang naalala yung sinabi niya nang makulong kami sa loob ng classroom. Para parin daw akong anghel pagmasdan kung natutulog. Oo, narinig ko iyon dahil yon ang nagpagising sa akin.

Hindi ko na lang itinuloy ang balak ko, naupo ako sa tabi niya at pinagmasdan siyang natutulog. Wala lang, trip. Baka iba ang isipin nyo

Naisip ko lang, minahal ko ba talaga ang babaeng ito noon? Siya kaya, ano ang nararamdaman niya para sa akin? Minahal din kaya niya ako?

Nagulantang ako nang bigla siyang magsalita

“Shitsui….”

O_______O

Memories BlossomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon