#14 Drama

63 1 0
                                    

HANNAH:

A-ano kaya ang binabalak ng lalaking ito?

Papalapit na sya sa akin!

Ang mga ngiti nya, hindi ko gusto!

“Bakit Kitari, ayaw mo ba akong makasama?” Shitsui

“Subukan mong lumapit!” nababahalang sabi ko habang napapaatras

“Bakit? Naiilang ka ba sa akin? Kung sa bagay, tayong dalawa lang pala ang magkasama dito ngayon. Magagawa ko kung anuman ang gustuhin kong gawin sayo”

Bwisit na lalaking ito! Hindi ko talaga gusto ang mga ikinililos nya.. Kinikilabutan ako

Patuloy pa rin syang lumalapit sa akin, wala na akong maatrasan, nasa gilid na ako ng bintana T__T

“Wala ka nang takas….” Halos pabulong na sabi nya. Ang lapit lapit na nya sa akin

“S-sige, subukan mong ituloy yang binabalak mo, sisigaw talaga ako dito!” halos mayakap ko na ang sarili ko dahil sa takot sa lalaking ito >____<

“Sumigaw ka kung gusto mo. Walang makakarinig sayo dahil wala ng tao sa campus!” sya

“AAHHHH!!! RAPE! RAPE!!! TULONG---hmmm!!” mabilis nyang tinakpan ang bibig ko

“Yaks! Feel mo! Hoy, wala akong kainteres-interes sayo!” awts

Mas kinabahan ako ngayon dahil mas lumapit pa sya

“Wala akong gagawin sayo. Huwag kang gumalaw, may uling sa pisngi mo at pupunasan ko lang”

“G-ganon ba..” hindi na ako kumilos at hinayaan ko na lang sya sa ginawa

Nakakagulat ang inasal nya.. May itinatago rin pala ito na konting pagka-maginoo. Inalis nga nya yung uling sa pisngi ko gamit ang kamay

Pero ang nakapagtataka ay ang matagal na pagkakahawak lang ng kamay nya sa pisngi ko

 Nakatitig lang sya sa akin

Naiilang ako….

Ang awkward sa pakiramdam

Wala ba syang balak na tanggalin ang kamay nya?

“N-naalis na ba?”

“H-ha? Ah o-oo…” at inalis na nya yung kamay nya

“S-salamat” tanging nasambit ko na lang

Nakatayo pa rin kami at walang kibuan. Parang naiilang din sya eh.. Ako rin, hindi na ako makatagal sa nakaka-tense na moment na ‘to kaya ako na lang ang unang kikibo. Aalis na sana ako at akmang makikiraan, nakaharang kasi sya sa harap ko

Pero….

Hinawakan nya ang braso ko at pinigilan

Mas nagulat ako sa sumunod na ginawa nya

O///////O

Bigla nya akong niyakap!

********

SHITSUI:

Tinanggal ko na yung uling sa pisngi nya pero hindi ko alam ba’t ganon ang inakto ko

Ngayon, nakatingin lang ako sa mukha nya… Parang may sariling desisyon ang kamay ko at ayaw maalis sa pagkakahawak sa kanyang pisngi

“N-naalis na ba?” doon pa ako natauhan

“H-ha? Ah o-oo…” sabay alis ng kamay ko

“S-salamat”

At wala nang nagsalita sa amin. Tahimik lang kaming nagpapakiramdaman. Hindi ko alam ba’t hindi ko magawang magsuplado ngayon sa babaeng ito. Ilang minuto pa ang lumipas pero ganon pa rin ang posisyon namin. Nakatayo lang at hindi makatingin sa isa’t isa.

Memories BlossomDonde viven las historias. Descúbrelo ahora