#32 to0ot to0ot to0ot

73 3 0
                                    

"Hehe... Naitanong mo na yan sa akin dati ah. Oo naman, close na close tayo noon. At anong klaseng tanong yan? Dapat 'Close ba TAYO noon?"

"Pakiramdam ko kasi ay magkaibang tao ang Shitsui noon at ang sarili ko ngayon" seryoso niyang sabi na ang tingin ay nasa malayo. Drama mode?

"Ano ka ba, magiging isa din ang Shitsui noon at Shitsui ngayon kapag bumalik na ang alaala mo" be positive!

"Shitsui ka dyan. TATSUMO" pagdidiin nya sa pangalang gusto niyang itawag ko

Teka nga. Napapansin ko lang, sa nakikita ko naman ngayon ay medyo close na siguro kami ni Shitsui pero... bakit Tatsumo pa rin ang gusto nyang itawag ko?

Hay.... ( __ __ )

Ang gulo talaga niya

At may isang bagay ang biglang sumingit sa utak ko. Ngayon ko lang naalala, ilang araw na lang pala ay makikipaghiwalay na ako kay Shitsui

Ang tanong, kelan? Hindi kaya siguro bigla siyang bumait sa akin ay dahil ilang araw na lang ang natitira at maghihiwalay na kami??

Ang nakakalungkot, wala man lang akong nagawa para kahit konting bakas ng kanyang nakaraan ay kanyang maalala....Kelangan ko na bang mag-give up? :(

At dahil sa malalim na pag-iisip ay ngayon ko lang napansin ang napakaseryosong mukha ni Shitsui na pinapalaki ang dalawang butas ng ilong malapit sa mukha ko. Di man lang nahihiya kung ano ang itsura >_<

Tinulak ko nga siya

"Para kang baliw" ako

"Para kasing ang layo na ng narating ng isip mo. Sabihin mo nga, ako ba yang iniisip mo?" siya. Galing manghula ( 0.0 )

"Paano mo nalaman?" sakay ko sa kanyang tanong

"So ako nga? Ako ang iniisip mo? Haha Ako talaga?" eehh??

"Ehhh???" hindi ko napigilang react sa reaksyon nya

"Oh, ba't ganyan ang reaksyon mo?" kunot noong tanong naman nya. Madali sigurong tatanda ang taong 'to. Madalas kasing nakakunot noo eh, dadami na wrinkles nyan haha

"Parang tuwang-tuwa ka kasing ikaw ang iniisip ko?" ako

"Eh sa natutuwa yung tao, anong nakakapanibago don? Di ba ako naman talaga ang iniisip mo?" kunot noo paring sabi nya

"Feel mo naman. Iniisip ko lang kung paano ka babatukan" syempre, hindi ko rin aamining tumpak sya. Kahiya kaya >.<

At babatukan ko na nga sana siya pero mabilis niyang hinuli ang aking kamay. Ngayon ay seryoso siyang nakatingin. As in serious. Tapos ang mga kamay ko, ikinulong nya sa kanyang mga palad

Ngayon ay nakatingin lang sya sakin

...

...

...

...

...

Teka, mukha bang lecture ang mukha ko? Yung mga tingin nya kasi, parang pinag-aaralan ang buo kong mukha >///<

Kanina pa sya nakatitig ah

At dahil don, define 'AWKWARD'

"B-bitawan m-mo nga ako" sabi kong hindi makatingin sa kanya. Kinabahan ako, siyempre. Seryoso eh, parang hindi nyo naman alam ang takbo ng mood nya

"Alam mo napapansin ko lang, ikaw pa lang ang nakakapanakit sa akin ng pisikal. Swerte mo rin noh?" and this time ay ngumiti siya. Yung ngiting parang nang-aakit??

Memories BlossomWhere stories live. Discover now