#8 Ang Weird

71 2 0
                                    

HANNAH:

Kainis! Ba’t ayaw pa ring tumigil ng mga luhang ito sa pagpatak?? Nakakahiya tuloy kay Rui :(

“Akala ko ba ay ok ka na?”

“Buong buhay ko, wala pang tumatapak ng pagkatao ko tapos ngayon ay bestfriend ko pa.. Sa mga sinabi nya kanina ay parang ganon na rin ang ginagawa nya sa akin..” garalgal na ang boses ko.. Ang sakit kaya :’(

“Tama na yan.. Masanay ka na sa kanya ngayon. Ganon na talaga yon lalo na sa mga bagong pasok dito sa school. Titigilan ka rin nila pagkatagalan” Rui

“Siya lang man itong gumagawa sa akin non. Yung mga miyembro nya ay wala naming ginagawang masama. Ni hindi ko nga kilala ang mga itsura non eh bukod don sa dalawa. Sa tingin ko ay malaki talaga ang pagka-disgusto sa akin ni Shitsui… Ayaw na nya sa akin…”

“Huwag kang mag-alala Hannah, po-protektahan kita sa kanya.. Wag ka nang matakot” buti pa itong si Rui, bago lang kami nagkakilala pero ang bilis din gumaan ng loob ko sa kanya..

“Hindi ako susuko… Kahit anong paraan ay gagawin ko at bumalik lang ang kanyang alaala kahit na tuluyan na nyang nakalimutan ang….”

Kahit na tuluyan na nyang makalimutan ang pagmamahal nya sa akin noon, basta’t bumalik lang ang dating Shitsui…

“Makalimutan ang alin?” Rui

“H-ha? A-ang aming pagkakaibigan” patuloy ko

Ngumiti lang sya sa akin

May kahawig talaga sya eh…

“Ahm.. Rui? May itatanong lang sana ako..”

“Go on..” sya

“Close ba kayo ni Shitsui? Napansin ko lang kasing hindi sya nag-react nang tawagin mo sya sa kanyang pangalan”

Bigla nyang ipinara ang kotse. Kaya naman pala, nandito na kami sa tapat na aming bahay

“Paano, kita kits na lang tayo bukas Hannah” nakangiting sabi nya

Ngumiti rin ako “Salamat sa paghatid!”

“Ganyan nga, ngumiti ka lang. mas lalo kang gumaganda” sya

“H-ha?”

“Joke! Hahaha” aguyyy

“At ano ang gusto mong palabasin? Panget ako?” at namaywang pa ako

“Hindi ako ang nagsabi nyan ha. Sige na, baba na! haha” sya

**************

Ilang weeks na rin ang dumaan…

Ngayon ko lang sya ulit nakitang pumasok..

Kaya pala walang nakaupo sa katabing upuan ko malapit sa bintana dahil dyan pala sya nakaupo. Hindi ko alam kung tatagal akong katabi sya. Binantaan na nya akong wag lumapit sa kanya eh pano ‘to? Magkatabi lang kami T___T

Oo.. Isa na ako sa mga estudyanteng takot sa kanya (__ __)

Nagle-lecture ang teacher

Palihim kong sinulyapan ang katabi ko

…..

…..

…..

Shitsui (.- -) --> <-- (OO.) ? Ako

Syet! Agad kong binawi ang tingin ko

Hindi pala sya nakikinig!

Tahimik lang sya…

Memories BlossomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon