#16 THE DARE

73 2 0
                                    

SHITSUI:

“OH HINDI! Hindi ko ‘to matatanggap!”

“Kaya mo yan pare!”

“Pareng Shitsui! Huhu.. Hindi sa ikaw ang sinisisi ko pero kasalanan mo talaga! Matinding kalaban yung mga taga-Phoenix High eh”

“Alam naman naming magaling ka talaga boss pero hindi mo man lang kami inisip!”

“Nauwi lang saw ala ang practice naming! Default ang game, nakakapanghinayang!”

“Oo nga boss! Ok sana kung sa team ka nila nakipag-away dahil makaka-join pa kami!”

“Heto boss ha, huwag mo isiping ikaw ang dahilan. Wala ka naman talagang kasalanan pero kung hindi mo lang sana pinatulan yung mga---“

“KATAHIMIKAN!!!!”  Aisshh!! Heto nanaman sila! Hindi ako ang sinisisis huh, pero sa tono ng pananalita ganun din yon! Ang sarap pag-uuntugin ang mga ulo-.-“

Hindi ako naiinis na ako ang sinisisi nila pero ang ingay kasi! Kakairita sa tenga, tss! Wala ako sa mood makinig sa mga hinaing ng mga ito

At saka hindi naman talaga nila dinidibdib ang nangyari sa game. Hilig lang talaga nilang magdrama. Laging ganito na ang sitwasyon kung default ang game o talo kami.

May mga talo naman kami eh kahit gaano kami kagaling. Bakit at paano? Kung sinusumpong lang ng katamaran, trip naming magpatalo. At kung sinusumpong naman ng topak at lumalabas ang pagka-clumsy ng isa, minsan nadi-default din ang game dahil sa taong yun. Pero hindi ako kasali don ha:) Mga weird lang talaga ang mga kasama ko:

Kapag ganito ang mga nangyayari, may tinatawag kaming LUNAS. Ito ang kasunduan sa Varsity Gang, kung sinong myembro ang magiging dahilan ng pagkatalo o pagkaka-default ng game ay kailangang magbayad sa pamamagitan ng pagsunod sa hamon. Dapat ay magkaisa ang lahat sa kung anuman ang ipapagawang dare sa taong yon. Sa oras na nagtagumpay sya, quits na.

Kaya naman heto ako at napaparanoid. Badtrip talaga wew! Hindi maganda ang kutob ko sa ipapagawa ng mga kulokoy na ‘to

Nandito kami ngayon sa ‘Gang Room’. Sa school Campus din pero separated ang kinaroroonan naming building. Kaya kami nagtipon-tipon ngayon ay para pag-usapan ang hamon na ipapagawa nila

“Pano yan p’re! Ikaw pa naman ang leader kaya don’t break the rule!” sabi ni Miyata na kumindat pa, kaasar!

“Oo na” ako

“Oo nga p’re,kaya dapat ay maging mabuti kang modelo sa amin! Wahaha” Takumi

“Kung bakit mo pa kasi pinag-uupakan yung mga estudyante sa tren” Miyata

“Malay ko bang mga estudyante pala yon ng Phoenix High. At saka kayo ba naman ang titigan ng ganun?” depensa ko

Alam nyo ba kung bakit default ang game? Syempre alam kong hindi nyo alam. Sige kwento ko lang ng mabilis para di kayo malito. Sakay na kami ng tren non. Actually, makakaabot pa sana kami sa game pero kung hindi lang dahil sa grupo ng mga lalaking yon ay hindi ito mangyayari. Sobra kasi ang titig nila sa akin. Take note, sa akin lang! Pakiramdam ko ay hinuhubaran na ako. Hindi ako nakatiis ay lumapit na ako sa kanila at dire-diretsong pinag-uupukan silang lahat. Sabay-sabay pa silang napatili. Kaya naman pala. Akala ko ay naghahamon ng away, yun pala ay type ako ng mga binabaeng yon-.-

“Sa ginawa mong yon boss? Sa tingin ko, you’re belong with them hahaha!” isa pa itong si Sato.

Ganon pala huh…”Gusto mong subukan natin Sato? Lapit ka dito beybeh!”

“H-huwag na, ang sagwa boss! Hahaha” Sato

“Ok, ok. Tama na muna yan guys. Pag-usapan muna natin ang hamon para sa ating hari” Miyata

Memories BlossomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon