#35 HIs Confession?- Part 1

40 1 0
                                    

HANNAH:

“OH BEYBE BEYBE BEYBEH!! MY BEYBE BEYBEH!!!!!”

T____T

 Alam ko, gusto nang magtakip ng tenga ang mga estudyanteng nasa loob ng sinasakyan naming bus. Kanina pa kumakanta ang katabi ko na akala mo eh nagco-concert.

“T-tatsumo ang volume ng boses mo, pakihinaan konti… hehe” bulong ko sa kanya. Ako na ata ang nahihiya. Nakakalimutan niya asiguro ang image niya as gang leader na hindi mo aakalaing makakagawa ng ganitong klaseng eksena. Honestly speaking ah, ang panget panget panget ng boses nya lalo pag bumibirit katulad ngayon, dudugo na ata ang tenga namin nito

“Anong volume, my baby?” siya

“H-hehe.. hindi naman sa pangit ang boses mo pero… Ang sakit talaga sa tenga huhu”

“Hini-hele lang naman kita My Baby ah? Parang ganito oh, OH BEYBE BEYBE BEYBEH!! MY BEYBE BEYBEH !!! WO CHIK TSUK BU TING DING DING!!! HUA----”

“STOP!!! SHITSUI WAG MO NGANG KINAKAWAWA ANG KANTANG YAN??”

“Kinakawawa ka dyan? Di ba F4 yata ang kumanta non? Tss. Pasalamat sila at nire-revive ko ang kanta na yon. Mas astig pa kaya pag ako ang kumakanta non”

“Psh, Wala nang makikinig kung sakaling ikaw ang kumanta non”

“Hindi mo lang alam kung gaano kaganda ang boses ko. Nasisintunado lang ako dahil sayo”

“Aba at sinisi pa ako huh”

“Totoo naman ah. Baka hanap-hanapin mo pa ang boses ko”

“No thanks na lang”

“Nahihiya lang akong iparinig ang totoo kong boses”

“Pffft… So peke pala ang boses mo ngayon?”

“Nang aasar ka ba?”

Nag sign peace na lang ako sa kanya. Minsan ang cute niya pag naaasar. Inayos ko ang pagkakasandal ko sa upuan at ipinikit ang aking mga mata. Hindi na rin siya kumanta. Yung mukha niya ay asar na asar hehe pikon talaga. Minsan naiisip ko, ano ba talaga ang meron kami ni Shitsui ngayon? Sa nakikita ko naman eh bumait naman siya konti at medyo madaldal na rin siya sa akin. Hay… naguguluhan ako. Pero alam naman nating may dahilan ang lahat di ba? Alam ko, darating ang araw na… Teka, hindi ko na rin pala nabilang ang mga araw na nagdaan. Parang lampas na kami ng 1 week ni Shitsui..  Akala ko ba eh pagkatapos ng isang lingo ay makikipaghiwalay na siya pero…

Nilingon ko siya, nakasandal rin siya at nakapikit. Napangiti ako. Okey lang. Sa tingin ko naman ay may mga bagay akong nabago sa kanya ngayon kahit konti. Kahit na maghiwalay na kami, atleast sinubukan ko siyang tulungan at hinayaan niya rin akong tulungan siya. Siguro ay hindi pa ngayon ang panahon ng pagbabalik ng kanyang alaala. At siguro… hihintayin ko na lang din na siya na mismo ang magsasabing the game is over. Masakit man pero ganon talaga

“Nakatitig ka nanaman sa akin My Baby…” at dumilat siya at nilingon ako

“Sa labas kaya ako ng bintana nakatingin” ang lakas talaga ng pakiramdam

 Ngumiti lang siya at ipinikit na ulit ang mga mata

“Ah… Teka, p-parang hindi ko na masyadong nakikita si Rui ah? Ang kuya mo..” Sinadya kong hinaan yung karugtong

“Ewan anong problema non” nakapikit pa ring sabi niya

“May problema siya?”

“Hindi ko nga alam. Ba’t ako ang tinatanong mo??” iritado namang sagot niya. Nagtatanong lang naman ah

Memories BlossomWhere stories live. Discover now