#40 The Gig- (unedited)

9 0 0
                                    

Hello, hi! Kamusta? At last, makakapag update na at dahil busy pa rin eh susubukan kong mag update kahit konti. Sa mga nagbabasa dito, uulitin ko maraming salamat sa pag iintindi ng magulong storya. Matagal ko nang nagawaan ng draft ito at pasensya na guys kung lame hehe. Tinatamad ako mag edit kaya dinagdagan lang konti. Edit ko na lang pag sinipag haha. Ok, hindi ko na patatagalin. Enjoy!


-----

HANNAH:

"Wahhhh! Ang sarap ng buhay estudyante pag ganito!" natutuwang sigaw ni Yuuki

"So iisa lang ang ibig sabihin nyan gurls, free tayo ngayon yey! Mabuti na lang at walang assignments" sabi naman ni Jenny

"Saan ang punta natin ngayon?" Yuuki

"Ah.. ano kasi.. baka hindi muna ako makasama sa inyo?" hala, baka magtampo na itong mga kaibigan ko, napansin ko kasing wala na ako masyadong oras para sa kanila

"Ha? Hannah naman eh, minsan lang kaya tayo magbonding tapos ngayon ay hindi ka nanaman sasama sa amin?" may himig tampong sabi naman ni Yuuki. Sabi na eh, magtatampo talaga ang mga ito

Nasa hagdanan kami ngayon pababa. Maaga kaming nakalabas dahil may meeting ang teachers ng Hino High School. Pagbaba namin papunta dito sa lobby ay nagkatinginan kaming tatlo.

"There's something wrong girls" may himig pangambang sabi ni Jenny

"Hmm!" tango naman ni Yuuki bilang pagsang ayon

Nagpatuloy kami sa paglalakad. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Parang pamilyar ang katahimikan eh. Usually kasi ay tambayan na ng mga estudyanteng ayaw pang umuwi ang lobby dito pero anong nangyari? Walang tao.

Pero may pakiramdam akong may mga matang nakamasid sa aming tatlo.

"Oh my gosh, huhu hindi ko na ito carry... Ba't pa kasi pumunta pa tayo ng CR?" Jenny

"Duh. Ikaw kaya itong nagyaya don? Sabi ko naman sa inyo na sa classroom na lang kayo magretouch" Yuuki

"Correction, si Jenny lang. Siya lang kaya itong may retouch retouch na nalalaman?" pagtatama ko. Si Jenny lang naman kase itong medyo may kaartehan sa katawan sa amin. Itong si Yuuki kasi ay parang wala nang pakialam sa ayos. Dagdag pa ang malaking antiparang suot niya pero maganda ang kaibigan ko ha. At ako? Hehe. Pulbo eh ok na kaya medyo vibes kami ni Yuuki pagdating sa ayos thingy.

"Pwede ba, magpakadalaga na kayo? Syempre kelangan nating mag ayos para-----" Jenny

"Ehemm! Para ba sa crushes ninyo ladies?" natigilan kaming tatlo nang may tumikhim. Biglang namula ang pisngi ni Jenny.  Mukhang nahuhulaan ko na kung sino ang nagsalita "Hi girls!" dagdag pa nito. Sabi na si Takumi eh, kasama ang mga gangmates niya

"Bakit kayo nandito?" ako

"Anong klaseng pagsalubong yan Ms.Beautiful, syempre sinusundo ka namin. Actually eh kanina pa kami dito naghihintay" Miyata

"N-ngayon na pala tayo pupunta?" ako

"Oo naman, tara?" Miyata

"T-teka, baka gustong sumama nina Yuuki at Jenny" at nilingon ko silang dalawa, mabilis ang sunud-sunod na pag-iling nila

"Oo nga naman classmates, sumama na rin kaya kayo" Takumi

"A-ano, m-may gagawin pa kasi kami.. May lakad, tama! May lakad nga kami hehe di ba Jenny?" Yuuki

"O-oo nga, sige ha, mauna na kami.. Hannah, text text na lang ok?" Jenny

"Text text ka dyan, nakakalimutan mo yatang wala akong cellphone" bulong ko naman kay Jenny. Hindi naman sa hindi afford. Sa panahon ngayon kahit hindi naman kalakihan ang budget eh kaya nang bumili ng cp pero ayoko lang non, tinatamad akong gumamit o mas tamang sabihing tamad akong pag aralan kung paano iyon gamitin. Kinukutya nga ako ng dalawang ito dahil napag iiwanan na daw ako ng panahon

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 20, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Memories BlossomWhere stories live. Discover now