# 21 MOOR GNAG

66 1 0
                                    

"Hinding-hindi na talaga dahil hindi ako makakapayag"

"Tatsumo!" ako

"Marunong kang lumugar 'tol" sabi ni Shitsui habang papalapit sa amin

"Nakakalimutan mo siguro kung ano---" Rui

"Tumigil ka" at dumako ang tingin ni Shitsui sa kamay ko na ngayon ko lang napansing hawak parin pala ni Rui "At ikaw Kitari, pumasok na tayo" sabay agaw ng kamay ko kay Rui

"R-Rui--" ako

"Halika na sabi!" syeteh, ano bang problema ng lalaking ito??

As usual, wala akong nagawa. Sya parin ang nasunod T_T

----

*UWIAN SA HAPON*

Heto nanaman, para lang akong robot na sunud-sunuran sa lalaking kasama ko ngayon

Saan nanaman ba tayo pupunta? Maiiwan na ako ng school bus!" ako

"Ihahatid lang kita mamaya at wag kang mag alala, alang-alang sayo ay hindi ko paiiralin ang pagiging kuripot. Ililibre kita" Sya

Tama ba ang narinig ko, alang-alang sa akin? Wow naman, sana nga. Parang mahirap magtiwala sa lalaking ito e

Saan kaya kami pupunta? At sa haba-haba ng tinahak namin, sa wakas ay huminto na rin sya sa paglalakad kaya huminto na rin ako. Medyo may kalayuan din kasi ang nilakad namin dito sa campus. Nasa tapat kami ngayon ng isang lumang building. Parang haunted house na pinaglipasan na ng panahon kaya nakakatakot ang itsura. Huwag nya sabihing...

"Dyan tayo pupunta?" ako

"Oo" sya

"W-wag kang magjoke ng ganyan Shitsui, a-ano ang gagawin natin dyan?" bigla akong kinabahan

"Tatsumo" sya

"Tatsumo" ulit ko rin. Psh! Kahit kelan talaga

Bigla nya akong hinila sa loob ng building. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Walang katao-tao...

Hindi kaya

Waahh..

Ima-masaker na ba ako ni Shitsui???

Dahil sa halo-halong imahinasyong pumapasok sa utak ko ay ngayon ko lang napansing nakatigil na pala kami sa tapat ng isang pinto. Binasa ko ang nakasulat sa itaas ng pinto. 'MOOR GNAG' ang nakalagay. Ano kaya ang ibig sabihin non? Parang katunog ng Morge ah... Bigla kong nayakap ang sarili ko at matalim na tiningnan ang kasama ko, desidido na ba talaga syang patayin ako??

"Gang Room, tss!" sya

"H-Ha?" anong konek?

Ahhh... Napansin siguro nyang hindi ko magets yung nakasulat hehe. Binaliktad lan pala XD. Kung ganon ay sa gang room pala kami pupunta, sa kanilang lungga. Wew! Kinabahan talaga ako kanina

Pumasok na sya sa loob. Grabe, automatic bumukas yung pinto. Pero hindi ako sumunod sa kanya. Bahala sya, dito na lang ako maghihintay sa labas. Hindi rin nya ako napansin

Bumukas ulit yung pinto

Uh-oh...

Napansin din pala nyang hindi ako sumunod kaya binalikan ako

"Hoy, ba't di ka pa pumapasok??" sya

Tiningnan ko lang sya, nag-aalanganin akong pumasok. Baka kung ano pang hindi kanais nais ang makita ko sa loob ng lungga nila

"Hay..." narinig kong buntong-hininga nya at lumapit sya sa akin. Hinawakan nya ako sa kamay "Halika na, walang halimaw sa loob"

Natawa ako sa sinabi nya. Parang bata lang kasi ang pinagsasabihan. Pero wow ha, ngayon lang sya nagsalita ng mahinahon sa akin

Nang makapasok na kami sa loob ay dumiretso sya sa harapan at naupo sa mesang nandoon. Kelangan ba talagang sa mesa nakaupo e meron namang upuan?

Inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng silid. Whoah! Ang cool ng dating, nakakamangha! Ang lawak pala sa loob. Well-arranged at mukhang high-tech ang mga facilities. Ang inaasahan ko kasing makikita ay lungga ng mga sanggano na sobrang gulo. Mali pala ako

Pero nakapagtataka lang, ba't sobrang tahimik?

Toinks

Bigla akong nailang sa hindi inaasahang makikita ngayon. Nandito pala ang mga miyembro ni Shitsui! Hindi ko maipagkakaila na tama sina Yuuki at Jenny, lahat sila ay may mga hitsura. Ganito ba ka-behave ang mga ito at ang tahimik nila? Tahimik silang nakatingin sa akin. Oo, sa akin lang >_<

Gosh! Pwedeng malusaw at maglaho na lang sa harapan nila? Walang nagsasalita kahit na sino man sa kanila. Basta nakatitig lang sila sa akin.

Baka kinikilatis nila ako kung karapat-dapat ba ako sa kanilang leader? Grabe lang ah!

"Hoy" narinig kong tawag ni Shitsui

Nilingon ko sya. Sumenyas naman syang maupo ako sa tabi nya. Lumapit ako at nakayukong naupo sa tabi ni Shitsui. Ramdam ko parin ang bigat ng mga matang nakatutok sa akin, haist.

"Kayong lahat, sya si Hannah Kitari. Hindi ko na kailangang sabihin pa sa inyo kung ano ang meron kami dahil alam nyo na yon" Shitsui

Wala pa ring nagsasalita. Napilitan akong tignan ang mga gangmate nya. Hindi na ito normal ha, may kinikimkim ba ang mga ito??? T__T

"SIYA???" biglang sabi nung isa na hanep ang pagkakapantay ng bangs

"B-BAKIT SIYA???" singit naman nung isa na Rukawa-style ang buhok

Minamata ata nila ako e huhu. Pukpukin ko kaya ang mga ito?? Kung makapagreact naman kasi e, kaasar! Nilalait ata ako T_T

*****

Memories BlossomWhere stories live. Discover now