# 28 blah blah blah

67 1 0
                                    

MIYATA:

Kanina pa kami lakad ng lakad dito sa school campus. Kasama ko si Pareng Takumi at si Shitsui. Tatlo kami ngayong naglalakad, EXERCISE lang daw sabi ni boss. Talaga lang huh, sa ganito kainit na tanghali? Ano kaya ang problema nitong boss namin?

"Hey Shitsui, sumasakit na ang paa ko. Sigurado ka bang exercise sa paa itong ginagawa natin?" 

mukhang hindi na nakatiis na tanong ni Pareng Takumi

"Oo" sagot naman ni Boss. Pero ang mata, kung saan-saan na ang tingin

"Sa tingin nyo sa ganitong oras, saan kaya siya tumatambay?" hindi na rin ako nakatiis. Alam ko, may hinahanap lang itong si Shitsui

"Huh?" "Huh?" nagsabay pang tanong ni Shitsui at Takumi

"Si ms.Beautiful. Nasa library yon ngayon, sigurado" ako

"Aha! So, kanina pa tayo nagpakahirap na naglakad at nagpalibot-libot eh sa library lang pala ang punta natin! Pareng Shitsui naman, sana sinabi mong may hinahanap pala tayo!" Takumi

"H-hoy, kung anu-ano na ang naglalaro dyan sa utak ninyo ha. Hindi ko hinahanap si Kitari, kailangan lang talaga nating mag exercise!" Shitsui

"Ok" sagot na lang namin ni Pareng Takumi.

"Defensive.." bulong sa akin ni Takumi

Kaya heto kami ulit, naglalakad ng walang hanggan.

At sa wakas. Pagkatapos ng taon-taong minutong paglalakad ay huminto na rin kami. Whoa, ang pawis men. And guess kung saan kami ngayon?

"Anong gagawin natin dyan?" Takumi

"Alam kong pagod na kayo kaya pahinga muna tayo dyan sa loob" Shitsui

"Eh di ba pwedeng sa canteen na lang tayo? Anong makukuha natin dyan? Huhu ginutom na ata kami pare" Takumi

"Mabilis lang tayo, may hahanapin lang akong magazine" at pumasok na nga si Shitsui sa loob ng library

Sumunod na rin kami. Sabi na eh, dito rin sa library ang babagsakan namin =.= 

Minsan, mahirap din talagang i-spelling ang boss namin

"Hey boss, saan ka pupunta? Hindi dyan ang mga magazines. Doon oh" sabay turo pa ni Pareng Takumi

"Ay oo. Sige, mauna na kayo don" Shitsui

“Ok, doon ka na namin hihintayin ha! Bilisan mo p’re, pupunta pa tayo sa canteen” sabi ni Pareng Takumi na halatang gutom na

“I smell something fishy p’re” bulong ko kay Takumi

“Really??” sabay amoy sa sarili “Wala naman ah”

Tsk, mukhang di ako nagets =.=

“Slow mo p’re, hindi ikaw! Tingnan mo kung saan ang punta ni Boss” ako

“Woah!! Si ms.Beautiful ba yang lalapitan ni Shitsui? Naku, baka ipapahiya nanaman niya ang girlfriend niya!” Pareng Takumi

“Hmm, hindi naman siguro. Tara at maupo, panoorin natin ang mga mangyayari” ako

Kaya naupo nga kami. At dating gawi, para kaming nanonood ng sine. Ganito talaga kami nitong si Pareng Takumi pag walang magawa, galaw ng mga tao ang napagti-tripan naming tingnan :)

Ngayon ay tahimik naming pinapanood ang dalawa. Hindi ko alam, parang natotorpe ata si Shisui, nag-aalanganin pa kasing lumapit kay ms.Beautiful pero sa huli ay naglakas din na kausapin niya ito

“Ayiieee! Tignan mo p’re oh, ngumingiti na si Boss kay ms…---uhmm!!” kahit kelan talaga ang pareko kong ito, walang preno ang bibig! Kaya agad kong tinakpan ang bibig niya

Memories BlossomWhere stories live. Discover now