# 24 Ganon Pala Yun

62 2 0
                                    

"Kung ganon, alam mo na pala"

"P-parang.. Ganon nga.." ako

"Anong parang ganon na nga e alam mo na nga talaga" natatawang sabi ni Rui

"Baka kasi isipin mong sinadya kong makinig sa usapan ninyo, hindi ako tsismosa nuh >_<" ako

"Bakit, hindi ka nga ba nakinig? Kung ganon, paano mo nalaman ang usapan namin? Hahah patawa ka rin minsan eh" sya

"Psh! Wag ka ngang tumawa. At saka aksidenteng narinig ko lang ang mga yun" ako

"Opo na, sige na. Wala naman akong sinasabi eh haha" hmp, nakukuha pa nyang tumawa sa kabila ng nangyari kanina

"Ah... Rui?"

"Uhmm?" sya

"Magkapatid ba talaga kayo ni Shitsui?" nag-alanganin pa ako sa tanong ko. Parang masyado kasing personal

Huminga muna sya ng malalim pero nakangiti parin sya kabaligtaran naman ni Shitsui na blangko lagi ang ekspresyon ng mukha. Bihira ko lang yon makitang ngumiti e, pag inaasar lang ako

"Kami ang unang pamilya. Nag-iisa lang akong anak ni mama at ako ang panganay sa apat na magkakapatid na Tatsumo" sya

"Pero...ba't hindi Tatsumo ang ginagamit mong apilyedo?" ako

"Kagustuhan din ni mama at iginalang din naman nila. Hindi ko rin sila masisi dahil silang dalawa rin ni papa ang nagkasundong maghiwalay sila. Hindi kasi nila mahal ang isa't isa. 3 years old ako nong sila ay naghiwalay"

Tumango-tango na lang ako. Kung ganon, magkapatid sila sa ama... Kung hindi nila mahal ang isa't isa, bakit sila nagpakasal? Ang hirap din ng ganun

"May pagtitipon noon sa bahay ng mga Tatsumo at matalik na magkaibigan sina Mama at Papa. Nagkainuman silang magkakaibigan. Dala na rin siguro ng kalasingan ay may nangyari sa kanila at ako ang naging bunga ng gabing iyon. Nagpakasal sila na iba naman ang itintibok ng kanilang puso" patuloy ni Rui

Kawawa naman pala sya...

"Open din naman ako sa kanila. Sa katunayan ay doon ako laging tumatambay. Itinuturing nila akong kabilang sa pamilya lalo na ni Tita, ng mama ni Shitsui. Mabait sya" Rui

"Rui..."

"Huwag ka nga maawa dyan" natatawa nyang sabi "Hindi ako mukhang kaawa awa noh. Masaya naman ako sa piling ng aking stepfather. Sya yung totoong mahal ni mama at si papa naman ay si Tita. Wala lang, gusto ko lang i-kwento haha" sya

"Baliw, walang nakakatawa. Pero matanong ko lang ha, bakit ayaw mong malaman ng iba na magkapatid kayo ni Shitsui?" ako

"Hindi naman sa ganon, bahala silang tumuklas kung ano ang kaugnayan namin ni Shitsui. Ayoko lang ng intriga at mahabang paliwanagan" sya

"Ayaw huh" ako

"O, bakit?" sya

"Sa tingin mo, ano kaya ang ginagawa mo ngayon?" ako

"Hindi mo ba nakikita? Syempre nakaupo" psh, pilosopo

"Hindi yun. Ang ibig kong sabihin, ayaw mo pero heto ka at nagku-kwento sa akin ng personal na mga bagay tungkol sa buhay mo" ako

Ngumiti sya at pinagmasdan ako. Nakaramdam tuloy ako ng pagkailang. Ano bang meron sa mukha ko?

"Dahil naiiba ka sa kanila.." at ginulo nya ang aking buhok. Ano ako, pet?=.='

"Excuse me, anong naiiba? Anong gusto mo palabasin, sila normal? Ako hindi? Kainis ka rin noh?" T^T

"Ang hirap makagets!" narinig kong bulong nya na pigil ang tawa

"Narinig ko yon" ako

"Hahaha"

*****

Hapon. Nasa classroom ako ngayon. Malapit nang mag uwian. Sinulyapan ko ang aking katabi. As usual, nakatanaw lang sya sa labas ng bintana. Buti pa ang bintana, napagtutuunan pa nya ng pansin eh samantalang ako, ayaw nyang pansinin. Magmula nung pangyayari sa bodega ay hindi na nya ako kinikibo. May nagawa ba akong kasalanan? Pero infairness, bihira na lang syang lumiban sa klase ngayon ha

Sige, ako na lang ang unang maglalakas loob na kausapin sya

*hingang malalim*

*tikhim*

*hingang malalim ulit*

Woooh! Ok, isang leon lang ang kakausapin mo Hannah kaya aja!!

*Pikit ang mata, hingang malalim, dilat ulit*

"Ahh.. Shitsui----"

*RIIIIINNGGG!!!*

Shocks, pagminamalas ka nga naman oh T_T, nice timing! Nagring na ang bell, senyas na uwian. Tumayo na sya at dumeretso na sa labas

"Hey p're, may naiwan ka. Naiwan mo girlfriend mo!!" Takumi

"LQ?" Miyata

"Huh?" ako

"Hahaha, ok lang yan ms.beautiful. Paano, mauna na kami"

"S-sige" ako

Niligpit ko na ang gamit ko at dali-dali ding lumabas. Susundan ko si Shitsui!

Inabutan ko naman sya pero hindi ako nagpahalatang sinusundan sya. Mukhang diretso uwi sya ah, sa may mga school bus ang tungo nya.

Heto na nga at pasakay na sya kaya sumakay na rin ako. Sa dati paring pwesto, sa may likod sya naupo. Tinungo ko ang kinaroroonan nya at naupo sa kanyang tabi. Kunwari di ko sya nakita. Syempre parte yon ng plano ko para makausap sya. Kunwari ay hindi ko alam na sya ang katabi ko tapos ay sasabihin 'Oh, ikaw pala yan Shitsui'. O divah, para hindi halata? ^____^

Shitsui -- Ako

(-- _) --- ( ^.^ )

(-- _) --- (<<. )

(-- _) --- (<<. )

(-- _) --- (<<. )

(_ --)!! --- (OO. )?

(-- _ ) --- ( _ >///<)

............

...........

..........

Waaahh!!!! Asar !! Hindi ko tuloy nasabi yung sasabihin ko dapat T^T wala talaga syang balak na kausapin ako

TT_TT

Memories Blossomحيث تعيش القصص. اكتشف الآن