# 29 walang title

84 1 0
                                    

Ono bo nomon oto! Oyow okong opoopdot!! Poro oror oro oror honggong so oror podon! Hohoho. Ooops, ang mga nguso haha. At dahil holiday, edit edit edit tayo :D one last try kung wala at error padin, SUKO NA AKO! Hahaha

Hannah's POV

Totoo..

Hindi totoo..

Totoo..

Hindi totoo..

Totoo...

Totoo?

Totoo!

Kyaaaaa!!

Totoo eh, alam ko hindi ako nananaginip. Tinapik ko pa ang magkabilang pisngi ko. Hanggang ngayon ay ang mga nangyaring iyon kanina sa library ang pumupuno sa aking utak. Ano kaya ang nakain ng lalaking iyon at bigla na lang siyang bumait?

Uwian na namin sa hapon at papunta na ako sa sakayan ng school bus. Nagulat na lang ako nang may biglang pumatong na kamay sa aking balikat at paglingon ko, si Shitsui pala! At sa di kalayuan ay ang ibang kasamahan niya. Kaya pala tahimik ngayon sa area na ito

"B-bakit?" tense kong tanong sa kanya, malay nyo bumalik na pala sa dati yung nakakatakot nyang mood

"May assignment tayo?" tanong naman nya. Himala ata, interesado sa assignments. Bago yon ah

"Wala" sagot ko "hindi nanaman kayo pumasok kanina"

"Tara" aya niya sabay hawak ng kamay ko

"Saan?" ako

"Sinabi ko na sayo kanina, may pupuntahan tayo" siya

"Saan nga?" ako

"Mamamasyal lang MyBaby" at sumakay siya sa motorsiklong ngayon ko lang napansin "Halika, sakay na dito ^^"

"H-ha? H-hindi na, magbu-bus na lang ako" bigla akong kinabahan, di ako sanay umangkas

"Sige na" sabi niyang nagpuppy eyes pa. Ang cute tuloy niyang tingnan

"At saka hindi naman talaga ako sasama, marami pa akong gagawin" pagdadahilan ko

"Sige na please, minsan na nga lang makiusap eh..." may himig pagtatampong pilit niya

Hindi ako makasagot hindi dahil sa nag-aalanganin ako kundi hindi lang ako makasagot dahil hindi ko alam ang magiging reaksyon ko sa mga ikinikilos ng lalaking ito. Yung aura niya ngayon, ibang-iba sa aura ng nakakatakot na si Tatsumo. May nakain ba itong gayuma? Hindi ko naman siya ginayuma ah

"Huy My Baby, ano na?" siya

"S-sige na nga..." at sumakay na nga rin ako

"BOSS! INGATAN MO LANG YANG MOTOR KO AH !" narinig kong sigaw ni Riyuki, miyembro din ng Varsity Gang. Ibig sabihin, nanghiram siya?

"Hindi pala sayo ito?" ako

"Hindi" sya

"Sa yaman nyong yan nanghihiram ka?" ako

"Wala naman talaga akong balak na manghiram pero nagawa ko dahil sayo" sya

"Nang dahil sa akin?" ano yun? Di ko magets =.=

"Di mo magets? Tss. Alang-alang sayo, lahat magagawa ko" sabi nya na diretso ang tingin sa daan. Tindi ah, mind reader lang?

Ako naman, heto at unti unting nag iinit ang mukha >///< yung tono kasi ng boses nya habang sinasabi iyon, para akong idinuduyan

Kahit nakatalikod sya, alam kong nakangiti sya. Napakagaan talaga sa pakiramdam kung nakikita mong magaan ang mood nya katulad ngayon

=')

"Ah... Shitsui?" ako

"Tatsumo" sya

"Psh. Ah...Tatsumo?"

"Oh?" sya

"May itatanong lang sana sayo.. Ok lang ba?" ako

"Ano yon?" sya

"Ba't bigla ka na lang bumait sa akin?" ako

"Ayaw mo non? Hindi ba't ikaw rin ang nagsabi na umasta ako bilang si Shitsui Tatsumo noon?" sya

Ay... Oo nga pala, isa yon sa deal ko sa kanya hmp..

----

Andito kami ngayon sa Hino Park. Nakaupo sa ilalim ng mga puno sa isa mga bench dito. Ewan ko ba kung anong meron dito at dito ako dinala ng lalaking ito. Pero huy, hindi kami nagdi-date ha!

"Ang ganda pala dito lalo na paghapon 'no?" sya

"Oo" ako

"Magsalita ka naman dyan. Ang tipid mo namang sumagot. Kanina pa ako nagsasalita dito" sya

Oo nga. Ngayon ko lang napansin, ang daldal nya ngayon. Para ngang nagpi-pinoy henyo lang kami eh. Oo at hindi lang ang sagot ko sa mga sinasabi nya XD

Eh sa hindi ko alam ang sasabihin >.<

"Ano naman ang sasabihin ko?" ako

"Ikaw, kung ano ang gusto mong sabihin" sya

Hmm.. Ano nga ba

"Gusto ko ng ice cream" bigla kong namis ang ice cream eh

"Hindi kita tinatanong kung anong gusto mo. Ang ibig kong sabihin, magsalita ka naman ng mga 3 or 5 sentences dyan, tss" o divah, ang daldal na nya sa akin? XD

"Iyon nga, gusto kong kumain ng ice cream" ako

"Ice cream? Pambata lang kaya iyon. Ayoko ng ice cream' sya

"Hindi naman ikaw ang kakain eh, ako. Sige na, please please? " at ngumiti ako ng pinaka sweet kong ngiti mapapayag lang ang lalaking ito

"Tss, ano pa nga bang magagawa ko. Dito ka lang" at naglakad na sya papunta don sa bilihan ng ice cream

Nakakatawa, parang batang nagdadabog dahil labag sa loob ang pagpapabili ko ng ice cream hehe. Naisip ko nga, may ilang bagay din palang hindi nagbago sa kanya. Alam nyo ba si Shitsui noon, ayaw din ng ice cream.

Mula sa di kalayuan, may napansin akong limang kababaihang estudyante din na parang ako ata ang pinag-uusapan? At ang nakakainis, ang tatalim ng mga tingin. Teka, mukhang papalapit sila dito

*****

Memories BlossomWhere stories live. Discover now