KABANATA 1

99.3K 1.9K 404
                                    

Izrael's POV


Dalawang pares ng mga mata ang nakatitig sa akin ngayon. Hindi ko alam kung pumipikit pa ba sila sa titig na binibigay nila sa akin. Para naman akong masamang tao kung parusahan nila sa mga titig na yan.


Masama na ba akong tao dahil lang hinayaan ko ang ang asawa kong makipag divorce sa akin?


Oo, divorced na ako. Kahapon lang. Hindi dumalo si Amethyst pero tuloy parin ang divorce. I wonder kung nasaan ang babaeng 'yon. Tulungan nawa n'ya ako sa mga isasagot ko kay Dad.


“Izrael Stavros..”


Nanigas ako sa kinatatayuan ko.


Hindi ko magawang iangat ang tingin ko kay Dad dahil paniguradong mumurahin n'ya ako. Halata ang iritasyon sa boses n'ya nang tawagin ang pangalan ko.


Gaano ba kalaki ang kasalanan ko?


“Anak, pwede mo ba kaming paliwanagan sa nangyari?” si mama ngayon ang nagsalita. Kalmado lang pero alam kong disappointed rin s'ya sa nalaman nila.


Ako ang ka isa isa nilang anak. Ang maikasal ako at magkaroon ng sariling pamilya ay isa sa mga hiling nila sa akin. Natatakot raw silang tumanda akong mag isa.


Ako naman ay walang interest sa ganu'n. The last time I had girlfriend, I was robbed. Traumatize na ako kaya hindi na muling nagka interes pang makipag date. Kaya ang ginawa ng parents ko ay inarrange ako sa anak raw ng kaibigan nila.


Akala ko date lang ang napag-usapan. Pero nagising nalang ako isang araw na naka formal suit na ako. Nagpunta kaming Cuba nun, akala ko may family reunion, pero kasal na pala namin ni Amethyst. Doon ko rin s'ya unang nakilala pero para sa akin hindi talaga 'yon ang una. Hindi ko lang maalala kung saan at kailan.


Natuloy ang kasal namin ni Amethyst. Wala akong narinig na violent reaction galing sa kan'ya. Hindi na rin ako umangal sa set up namin dahil hindi ko man aminin ay lalabas parin ang totoo na interesado ako kay Amethyst pagkakita ko pa lang sa kan'ya nung araw na 'yon.


May kakaiba sa kan'ya. Ang maliit at maganda n'yang mukha ay hindi nakakasawang tingnan. Ayon nga lang, masyadong mataas ang pantasya ko. Akala ko may chance kaming maging happy couple dahil okay naman kami noong unang buwan pero hindi nagtagal unti unting nag iba si Amethyst.


Hindi ko masabi kung nagpapanggap ba s'ya o ganoong talaga ang ugali n'ya. I didn't know an angel looking lady could be that heartless. Basta isang araw, gusto na n'yang makipag divorce.


Ilang beses rin akong hindi sumang ayon. Confirmed ko nang may nararamdaman ako sa kan'ya kaya bibitawan ko pa ba s'ya? Syempre hindi. Ayoko.


Pero hindi ko alam.


Ayoko naman ang sagot ko sa pakikipag-divorce n'ya pero nangyari parin ang ayaw ko. Dumating sa puntong ayaw man ng isip at puso ko, pero ang marinig s'yang magmakaawa na pakawalan ko s'ya ay naging dahilan para sumang-ayon na ako.


Ako pa ang ang unang pumirma sa divorcement paper. Anuman ang dahilan n'ya ay hindi na ako nagtanong pa. Masakit na nga sa akin na masaksihang magmakaawa s'ya para makawala, ano pa kaya kung marinig ko ang dahilan ng pakikipag-divorce n'ya.


Hindi ko alam kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko magawang umiyak, eh. Pero mabigat ang nararamdaman ko. Mabigat ang puso ko pero wala ni isang butil na luha ang gustong lumabas.


Nagmumukha tuloy akong okay lang sa aking na divorce ako. Dahilan para lalong magalit si papa sa akin ngayon.


“Makinig ka, Izrael Stavros.” Tumayo s'ya mula sa pagkakaupo sa sofa at nakita ko mula sa sahig na papunta siya sa akin.


Hinanda ko na ang sarili kong mapagalitan n'ya nang malapitan. Hinanda ko na ang sarili ko sa masasakit na salitang maaring n'yang bitawan.


Dahil nakatingin ako sa sahig, sapatos nya ang una kong nakita nang tumigil siya sa harapan ko. Mabilis akong napatingin sa kamay n'ya nang umangat ito.


Sasapakin n'ya ba ako?


“Siguraduhin mo lang na desisyon n'yong pareho ang mag divorce. Ayokong marinig na nagsisisi kang pinakawalan mo ang dalagang iyon.” Tinapik n'ya ako sa balikat bago n'ya ako nilagpasan. Lumabas na s'ya sa condo unit ko.


Nilingon ko si mama na may gulat sa aking mga mata. Totoo bang hindi ako pinagalitan ni Dad? Tapik lang ba talaga ang nangyari? Hindi n'ya ako sinapak?


Lumapit si mama sa akin. Kalmado n'yang inayos ang kwelyo ng suot ko polo.


“Nakausap namin kanina ang parents ni Amethyst. Sila ang nagsabi sa amin tungkol sa divorce n'yong dalawa, which is a good thing na sinabi nila dahil parang wala kang plano na sabihin sa amin ang nangyari.”


“Wala po talaga, ma,” I answered honestly. Wala pa sa isip kong ipagsabi ang nangyari dahil kahit ako'y hindi pa nagsi-sink in sa akin na single na ako ulit.


Ang drama man, pero nakakalungkot kayang isipin na wala na akong madadatnang asawa kapag uuwi ako galing sa trabaho. Walang magtatanggal ng pagod ko kahit hindi alam ni Amethyst na nagagawa n'ya 'yon sa pamamagitan lang ng pag tingin ng magaganda n'yang mga mata sa akin. Nakakapawi ng pagod.


Ngayong wala na s'ya . . what if hindi na ako mag trabaho?


Mag tumapik sa balikat ko na dahilan upang bumalik ako sa realidad.


“Aalis na kami ng papa mo. Magpahinga ka muna, Izrael. Halatang pagod na pagod ka. Ako ang nanay mo kaya mag sinungaling ka man o walang sabihin sa akin, alam ko kung anong nararamdaman mo. Magpahinga ka, nak.”


Niyakap ko pabalik si mama nang yumakap siya bago umalis. Medyo gumaan ang pakiramdam ko kahit pa nang nakaalis na sila ni papa.


Minsan ang kailangan lang talaga natin ay isang mahigpit na yakap mula sa taong naiintindihan ang hindi natin mapangalanang nararamdaman.


Mabigat parin sa dibdib sa tuwing naiisip ko ang mga magbabago simula ngayong araw. Halos kalahating taon rin akong may asawa. Nakakapanibago.


Nasaan kaya ngayon ang ex-wife ko? Umalis s'ya agad nang mapirmahan ko na ang divorcement namin.


Amethyst Evans, ano ba kasing dahilan mo at sabik kang iwan ako?

She's My Ex-wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon