KABANATA 4

37.4K 1K 411
                                    

IZRAEL's POV


It's monday today at maaga pa lang ay busy na ako sa paghahanap sa isang bagay. Saan ko ba nailagay 'yon? I was busy looking for the invitation card that Amethyst had given me when I suddenly received a text from an unknown number. Nakahinga ako nang maluwag nang agad kong nalaman kung kanino galing ang text na 'yon matapos kong mabasa.


It was from Amethyst. She sent me the address kung saan gaganapin ang baby shower party. Buti ay tinext n'ya sa akin dahil nawala ko ata ang invitation card na s'yang titingnan ko sana para kunin ang address ng baby shower party. Naisipan ko talagang dumalo para maging closure ito at nang hindi na kami muling magkita pa ng ex-wife ko.


Hinintay ko munang mag alas dyes ng umaga bago ako umalis sa condo unit ko. Nakapag ayos na ako at nang kunin ko na ang susi ng aking sasakyan ay doon ko pa nakita ang invitation card. I looked at it at kulay blue at pink ang design nito. Nalito tuloy ako kung ano ang dadalhin, pambabaeng regalo ba o panlalaki? Nakakahiya naman kung pupunta ako doon na walang dala. Kaya dumaan na muna ako sa pastry shop.


Napaisip rin ako habang namimili ng cake. Para sa baby ba ang bibilhin o sa mommy? Bakit ba wala akong alam sa ganito! Nakangpotchi, Izrael!


Despite not knowing what to choose, nakapag order parin ako at pinasadya ko na lang ang design. It's just a one layer cake with two colors. Pink and blue. Wala kasi akong idea kung anong gender ng baby kaya pink and blue nalang. Unisex kumbaga. Bahala na.


Nag lunch din muna ako sa katabing restaurant ng pastry shop bago ako dumiretso sa venue.


I arrived at the address na ibinigay ni Amethyst sa akin. Isa itong beach. Bitbit ang cake ay bumaba ako mula sa aking sasakyan. Napansin ko agad na wala pa masyadong mga tao. Sa pagkakaalam ko ay private beach ito, kaya siguro di karamihan ang mga tao.


"Izrael?" May lumapit sa akin na kamukha ni Yanni. Kamukhang kamukha n'ya na parang carbon copy n'ya si Yanni. Kaya agad ko s'yang nakilala, she is for sure Yanni's mom.


Babatiin ko sana ang nanay ni Yanni ngunit naunahan ako ng isang boses sa pagsasalita.


"Izrael Stavros? OMG! Ikaw nga! Akala ko ay namamalikmata lang ako." Lumapit ang isang babae sa amin. Nakatingin siya nang diretso sa akin. Hindi ko pamilyar ang mukha n'ya. Sino ba 'to?


Hindi s'ya katandaan. Siguro ay nasa early 30s.


She rolled her eyes at me nang hindi ako mag salita at nakatingin lamang ako sa kan'ya. "Geez, it's me. Anastasia. I designed your wedding suit nung kinasal kayo ni Amethyst. Ako iyong Aunty n'ya na designer ng sinuot n'yo nun."


"Oh.." My jaw dropped. I now remember her.


I won't deny that she's a good designer, pero maling panahon n'ya ata na design ang wedding dress and suit na 'yon. Bahagya akong nakaramdam ng pagkailang nang maalala ko ang private wedding namin ni Amethyst. It was just us and few of our family member.


Agad ko nalang isinantabi ang iniisip at binati si Mrs. Anastasia.


"It's good to see you again, Mrs. Anastasia."


Ngumiti s'ya. "I thought you and Amethyst got divorced? Or are you back together?" usisa nya.


Napangiwi ako sa tanong n'ya. I didn't expect she would ask me questions like that. Mas madali pang sagotin ang tanong na 'tuli ka na ba?' kesa sa tanong patungkol sa amin ni Amethyst. Para naman akong nasa bar exam nito, ang hiram sumagot kahit may tamang sagot naman.


She's My Ex-wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon