KABANATA 18

22.3K 702 256
                                    


AMETHYST


She's back. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa tuwa nang makita ko si Marlia sa labas ng bahay namin. Napaka saya ko na makitang ang kaibigan na matagal ko nang hinihintay na bumalik, ay nakabalik na nga.


Pero hindi ko aakalaing ang pagbalik n'ya rin pala ang maglalayo sa amin ni Izrael. As what she said earlier, halatang gusto n'ya parin si Izrael. She want him back.


At alam kong hindi ko ipagdadamot si Izrael sa kanya. S'ya naman talaga ang nauna. Sa kanya naman talaga si Izrael.


“Kaninong anak 'to?”


Nagulat ako nang biglang taasan ng kilay ni Marlia ang pamangkin ko.


“Who are you to call me panget?”


Mabilis na nagtago si Yanni sa likod ni Izrael. Ako naman ay nakamasid lang kay Marlia. Hindi naman kasi s'ya ganito dati. Mabait at mahilig s'ya sa bata, kahit na awayin s'ya ng bata dati ay ngingitian n'ya lang.


‘Nagbago na ba s'ya?’ tanong ko sa sarili.


“Anyways, babe, what do you think? Should we have a dinner date?” biglang nag iba ang awra n'ya nang balingan n'ya ulit ng atensyon si Izrael.


As I looked at Izrael, nagulat ako nang sa akin lang nakatuon ang pansin n'ya. He's obviously looking directly at me.


“Babe,” Marlia called him again and tried to touch his arm but he didn't let her.


“Wife, sa loob muna kayo ni Yanni,” biglang nag salita si Izrael at nasa akin parin ang tingin nya.


Namilog ang mata ko. Is he talking to me?


“Amethyst, wife, sige na. Mag uusap lang kami ng kaibigan mo,” mahinahong wika ni Izrael.


“What is happening?” Marlia meddle.


Nilapit ako ni Izrael at diretso n'ya akong tiningnan sa mata. “Mag uusap lang kami. Don't overthink, okay? Ibibigay ko lang ang closure na dapat n'yang makuha. Sige na, sa loob na muna kayo ni Yanni.”


Sa gitna ng gulat ko sa mga inakto ni Izrael sa harap ni Marlia ay nakinig parin ako sa iniutos n'ya. Kinarga ko si Yanni at pumasok na kami sa loob.


Hindi ko na nilingon pa ang dalawa dahil baka nga mag umpisa pa akong mag isip ng hindi maganda. Izrael gave me assurance again, hindi n'ya man lang inisip na nasa harap lang namin si Marlia.


Sinalubong ko si ate na siguro ay lalabas din sana. “May kausap si Izrael,” inunahan ko s'yang mag salita.


“Huh? Sino naman? Baka gusto nilang pumasok?”


Umiling ako. “Kausap n'ya si Marlia.”


Namilog ang mata ni ate. “Kung hindi ako nagkakamali, diba kaibigan mo 'yon? You mean, nakabalik na s'ya? Bakit naman sila ang nag uusap ngayon?” sunod sunod na tanong ni ate.


I sighed. “Ex n'ya si Marlia- ay mali, girlfriend parin siguro- I mean- ay ewan! Hindi ako sigurado,” nagugulohan kong sagot. Hindi ko kasi kinuwento dati kay ate kung anong connection ni Marlia kay Izrael.


Nagsimula na namang tumibok ng mabilis ang puso ko nang banggitin ko ang salitang girlfriend. Parang may kung anong kumirot sa loob ko.


Yanni suddenly hug me. Nasa kandungan ko pa pala s'ya. “Tita, h'wag kang malungkot. I know tito will come back here without that ugly lady, kaya smile ka na.”


She's My Ex-wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon