KABANATA 3

47.4K 1.1K 1.4K
                                    

Izrael’s POV


Like what I decided, hindi ako nakisali sa kanila sa reception. Kahit pa kasama ko ang ex-wife ko. Inihatid ko lang s'ya sa reception at agad rin akong umalis.


Lumipas ang mga araw na maayos naman. Hindi ko na ulit nakita ang ex-wife ko and I guess, that's a good thing. I don't wanna see her. Nababalisa ako kapag nasa paligid s'ya. Baka balikan ko lang 'yon pag nagkataon.


Lol! Hindi ako marupok.’ reklamo agad ng isip ko.


Tumunog ang cellphone ko at nang tingnan ko 'yon na nasa besides table lang ay nakita kong tumatawag si mama.


"Ma?"


[Izrael, my friend just arrived. Nasa airport na s'ya ngayon, kaso nasa meeting pa kami ng papa mo. Pwede bang makisuyo? Sinabi ko na sa kan'ya na ikaw ang pupunta para sunduin s'ya.]


Halata ang pagmamadali sa boses ni mama. Busy nga siguro sila ni papa sa trabaho, nautosan pa tuloy ako. Napaka friendly talaga nitong nanay ko.


"Copy that, ma. Ako na bahala," sagot ko and mom immediately ended the call.


Hindi naman halatang nag mamadali sya 'no?


Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa aking kama at lumabas na ng kwarto. Good thing ay ready to go ako palagi.


Chineck ko muna ang refrigerator ko dahil kahapon ay nakalimutan kong mag grocery, napa fast-food ako nang wala sa oras kagabi. Nakita kong halos wala na ngang laman iyong ref. Mayaman naman ang parents ko pero bakit parang gipit ako?


I hurriedly left my condo unit. Nasa airport na ako nang marealize kong hindi ko pala alam kung sinong kaibigan ang tinutukoy ni mama.


I have met plenty of mom's friends, pero hindi ko naman alam kung sino sa mga yon ang susunduin.


I took out my phone and was about to call my mom when I heard someone calling out my name.


"Izrael! Izrael!" tawag niya sa akin. Pamilyar ang boses nito.


Nilingon ko s'ya at hindi nga ako nagkamali. Naiilang akong nilapitan s'ya. "Tita Aurelia, hello po,” pag bati ko.


"Hello, son-in-law!" she greeted me back. Ngumiwi ako nang marinig ang tinawag n'ya sa akin.


Tita Aurelia is my mom's good friend and my ex-wife's mom. Aware siyang wala na kami ni Amethyst pero hanggang ngayon ay 'yan parin ang tawag n'ya sa akin.


"It's been a while since I last saw you. Ikaw ba ang inutusan ng mama mong sunduin ako?” tanong n'ya na may malaking ngiti.


She's really a smiley-person. Some of her features ay minana ni Amethyst. Kaya ang gandang ngumiti ng ex-wife ko.


Yes, I admit, maganda naman talaga ang ex-wife ko. Ilang beses ko na bang nasabi 'yan? I'm whipped.


Pero hindi ako marupok.


Hindi na ako nag abalang sumagot sa tanong ni tita dahil abala naman s'yang mag kwento ng mga pinagdaanan n'ya sa byahe n'ya ngayon.


Magaan parin ata ang loob nya sa 'kin para mag kwento ng kung ano-ano. Hindi n'ya alintana na ex-husband ako ng anak n'ya.


"Let me carry this for you, tita." Kinuha ko ang maleta na hila hila n'ya.


She smiled again.


She's My Ex-wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon