KABANATA 22

24.1K 631 74
                                    


IZRAEL


The place is as enchanted as its name. Hindi ko napigilang mamangha nang makarating kami sa sinasabi ni Ae na river, at hindi ko rin alam kung nasaan na ang babaeng 'yon. Humiwalay s'ya sa amin pagkarating namin dito.


“This is the second most beautiful thing I've seen today,” wika ko sabay tingin kay Amethyst. “Ikaw ang una,” bulong ko.


Nakita ko ang kislap sa mga mata n'ya habang naka tingin sa napakagandang lawa. “Nakikita ko lang ang ganito sa mga painting 'e, ang ganda.” Amethyst walked closer to the water.


“Yo guys, I feed the fishes,” biglang lumitaw si Ae galing sa kung saan.


“Kaya pala bigla kang nawala.”


Nagkibit-balikat lang si Ae sa sinabi ko.


“Tatawagin ko sana kayo kaso baka tapos na ang fish feeding pag balik ko,” aniya sabay tawa. “Nga pala, maiwan ko na muna kayo, ulit. I saw a friend of mine kasi kaya sa kanila muna ako makikisabay. Ayoko namang sirain ang date n'yo.” Umalis agad s'ya.


Nakaramdam ako bigla ng gutom. “Wife, do you wanna-


“A-Ahh...” biglang daing ni Amethyst. Mabilis ko s'yang dinalohan nang makitang sapo n'ya ang dibdib at parang may iniinda s'yang masakit don.


“W-wife, what happened? May masakit ba?” Tinulungan ko s'yang umupo muna sa tabi. Nawala tuloy ang gutom ko dahil sa pag-aalala.


“H-Hindi, wala lang 'to, napagod lang siguro ako.”


Taliwas sa nakikita ko ngayon ang sinabi niyang wala lang daw 'yon, halatang hindi s'ya okay dahil unti unti kong napansin ang pamumutla ng mukha n'ya.


Nag squat ako sa harap n'ya at tiningnan s'yang mabuti. My heart beats fast nang makita kong nagawa n'ya paring ngumiti kahit tuloyan nang pumutla ang mukha n'ya.


“Ayos lang talaga ako, Izrael, nakalimutan ko lang uminom ng gamot.”


My brows furrowed. “Gamot? Anong gamot? Teka, mag hahanap ako ng tulong-


Pinigilan ni Amethyst ang kamay ko. “No, dito ka lang. Mawawala rin 'to agad,”


“P-pero you looked so pale, baby, I just can't sit here and wait 'til it hurts you no more.” Hindi ko magawang hindi mag alala.


Natataranta na ako't lahat at gusto ko nang humingi ng tulong but here's Amethyst, hawak hawak ang kamay ko, pinipigilan akong umalis. Hawak n'ya ito ng mahigpit, and she keep saying, “I'm fine,”


“And I'm worried,” sagot ko.


She smiled. “Your hand is big unlike mine,” bigla n'yang iniba ang usapan. Sinukat n'ya pa ang kaliwang kamay ko sa kamay n'ya.


“Wife..” tawag ko sa kan'ya.


Nakangiti s'yang naka tinging sa mga kamay namin habang nakatitig naman ako sa mukha n'ya. I feel at ease the moment her paleness slowly vanish.


“Ayos na ako,” parang batang wika n'ya at mabilis akong niyakap.


I gently hug her dahil hindi ko sigurado kung saan s'ya nakaramdam ng sakit. “Sabihin mo agad sa 'kin kung may naramdaman ka ulit,” nagaalala kong saad.


“Sa'yo ba?” Hinarap n'ya ang inosente n'yang mukha sa akin. “I mean, sabihin ko ba agad kung may nararamdaman na akong kakaiba para sa 'yo?”


She's My Ex-wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon