KABANATA 14

26.3K 737 261
                                    


IZRAEL


“Takot ka bang hindi kita mahalin?” diretso at walang pag dadalawang isip kong tanong kay Amethyst.


Umawang lang ang labi niya at walang salitang lumabas mula rito. Hinihintay ko pa naman ang sagot n'ya para malaman ko kung ano ang dapat kong gawin.


“Amethyst,” tawag ko sa kan'ya.


She looked away.


“Wife,” I called her again.


Mariin s'yang pumikit. “Tumigil ka na, Izrael. Stop asking about it.” Hinarap n'ya ako. “Matagal na 'yon, lumipas na ang mga nangyari. Maging kawalan ko man ang pagtulak sa'yo palayo, wala na akong pake. Gusto kong gawin 'yon. Kaya tigilan mo na ang pagtatanong tungkol sa lumipas na. Nasabi ko naman na ang rason ko 'di ba? Kaya ngayong tapos na tayo, wala na tayo, pwede ka nang mag simula ulit. Lumayo ka na sa 'kin. Masasaktan lang kita at ayon ang ayaw kong mangyari,” mahabang aniya sa nakikusap na tono. Tumayo rin s'ya at agad na tinalikuran ako.


“Sa tingin mo ba hindi ako nasasaktan kada tinutulak mo 'ko palayo?”


Hindi n'ya natuloy ang planong pag alis kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita.


“Kaya mo ba 'ko tinutulak kasi ayaw mong dumating ang panahon na masaktan mo 'ko?” Tiningala ko s'ya na nakatalikod sa akin. “Paano kung sabihin ko sayo na nasaktan mo na 'ko? Sa unang araw pa lang na ipinaramdam mo sa 'kin ang pagka disgusto mong nasa paligid mo 'ko, nasaktan mo na ako.”


Dahan dahan n'ya akong hinarap. Puno na ng luha ang mga mata n'ya.


“A-Anong.. hindi.. ano bang sinasabi- Anong ibig mong sabihin?” Lumuhod s'ya sa harap ko at kinuha ang dalawa kong pisnge. Parang hindi s'ya makapaniwala sa mga sinabi ko.


“Hindi naman kita nasaktan 'di ba? Sabihin mo, naging maayos ka naman nung nag divorce tayo 'di ba? S-Sabihin mo..” humihikbing aniya.


Kinuha ko ang kamay n'yang nasa pisnge ko at kinulong sa aking mga palad. Sa mga kamay namin ako nakatingin habang unti unti kong ibinuka ang bibig para sumagot.


“Wala naman nang mababago kahit sabihin kong nasaktan ako noong mga panahong 'yon. Tulad nga ng sabi mo, lumipas na. At ang lumipas na, tapos na, wala na. Nasaktan mo man ako, Amethyst, pero lumipas na 'yon, handa na akong kalimutan ang sakit,”


Pinahid ko ang mga luha sa pisnge niya. “Wag kang umiyak,” bulong ko sa kan'ya dahilan ng lalo nyang pag hikbi.


“Nasaktan parin kita, Izrael. G-Ginawa ko naman ang pwede kong gawin para hindi kita masaktan pero ganun pa rin pala. H-Hindi ko naisip yon. Ang tanga ko. Ang tanga tanga- t-tanga ko..”


Niyakap ko s'ya nang mas lalo siyang umiyak. Hindi kaya ng konsensya kong makita s'yang sinisisi ang sariling n'ya. Lalo na't dahil sa'kin 'yon.


“Amethyst,” mahinahon kong tawag sa kan'ya. “Hindi kita sinisisi at hinding hindi kita sisisihin. Ayos na rin ako. Hindi na masakit ang malaman na ayaw mo lang akong masaktan kaya mo 'ko tinutulak palayo noon. Kinikilig na 'ko,” pagpapagaan ko sa nararamdaman n'ya.


Totoo rin naman ang sinabi ko. Oo nga at nasaktan ako noong palagi n'ya akong inaaway at hinihiling na mawala na ako sa kan'ya pero ngayon na nalaman ko na kung bakit sya ganun, kinikilig na 'ko.


‘Wow tanga lang?’ sabat ng sarili kong isip. Bahala na.


Tumahan na s'ya ilang minuto ang lumipas at nang harapin n'ya ako ay naka kunot na naman ang noo n'ya.


She's My Ex-wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon