KABANATA 20

24K 610 78
                                    


IZRAEL


“Tito!” si Yanni ang bumungad sa akin nang mag doorbell ako sa condo nila.


Limang araw na ang lumipas matapos ang insidente noong nakaraan, pang anim ngayon. Araw-araw ko ring binibisita si Amethyst sa condo niya.


“Ang tita Amethyst mo?” pabulong kong tanong kay Yanni.


Sakto namang tumayo si Amethyst sa harap ko na nakapamaywang. “Ikaw na naman, Izrael?”


Malaki ang ngiting iginawad ko sa kan'ya. “Sige na, wife, labas na tayo...” muling pamimilit ko sa kan'ya na lumabas.


For the past 5 days, pumupunta lang ako rito para pilitin s'yang lumabas. Pero sa ilang araw na 'yon ay hindi ko s'ya napilit.


“Izrael, ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na ayaw ko?”


Napanguso ako. “Iniiwasan mo parin ba 'ko? Dahil ba ako ang may kasalanan sa nangyari sa kaibigan mo? Do you hate me?”


Bumuntong hininga s'ya at pinapasok muna si Yanni sa loob.


“Wala ka ngang kasalanan sa nangyari, Izrael,” aniya nang makapasok na si Yanni at maisara ang pinto.


“Then, why are you avoiding me? Ilang araw mo na akong nire-reject. Gusto ko lang namang ilabas at aliwin ka.”


“Wala nga akong ganang lumabas.”


Iniiwas ko ang tingin sa kanya. “Okay.. uuwi nalang ako.”


Naiintindihan ko naman na inaayawan n'ya ang alok ko dahil nasasaktan parin s'ya sa nangyari sa kaibigan n'ya. Ang hindi ko maintindihan, gusto n'ya raw munang mapag-isa pero kasama n'ya naman ang ate n'ya at si Yanni sa condo. E 'di hindi s'ya mag-isa. Magulo rin minsan ang mga babae 'no? Pero sige, hahayaan ko muna s'ya, babalik nalang ulit ako bukas.


“Alis na ako,” wika ko at tinalikuran s'ya. Nakapanlulumong isipin na ayaw n'yang mapag-isa na ako ang kasama.


Natigilan ako nang may humawak sa manggas ng suot kong damit. Akala ko si Yanni dahil hinila hila n'ya ang manggas ko na parang bata. Pero hindi ko naitago ang ngiti nang makitang si Amethyst pala.


“B-Bakit?” gulat kong tanong sa kanya habang naka ngisi.


“May nakalimutan ka,” she said, pouting. Mas lalo akong napangiti sa sinabi n'ya.


Umakto muna akong hindi naalala ang pinapahiwatig n'ya. Kinunot ko ang noo. “Anong nakalimutan ko?” tanong ko na kunwari ay nag-iisip.


Hindi makatingin ng diretso sa akin si Amethyst na mas lalong nagpangiti sa 'kin. She's obviously shy to say it.


“W-Wag nalang pala.” Bumitaw s'ya agad mula sa pag hawak sa damit ko.


Tumango ako. “Okay..”


Sa sinabi kong yon at tinalikuran agad ako ni Amethyst, hindi man lang s'ya nagdalawang isip. Talagang nahihiya  s'yang sabihin kung anong gusto n'ya.


I chuckled saka s'ya hinila paharap sa 'kin. “Nire-reject mo 'ko pero gustong gusto mo na hinahalikan kita sa noo bago umalis,” wika ko saka s'ya halikan sa noo. Ito ang lagi kong ginagawa kapag aalis na ako, at alam kong ito ang gusto n'yang sabihin kanina.


“K-Kasi.. n-nasanay na ako,” nauutal n'yang sagot.


Hindi ko napigilang matawa sa sinabi n'ya. I kissed her again pero sa labi na. Halatang nagulat s'ya.


She's My Ex-wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon