SPECIAL CHAPTER - THE SURPRISE

25.5K 630 48
                                    


Izrael.


“Saan ba ang punta natin, Izrael? And why didn't you bring Yanni with us? Gustong gusto pa naman nun na sumama sa 'tin kapag daw may plano tayong lumabas."


“It's a date, wife. Bakit tayo magdadala ng bata?”


She just pouted.


I chuckled. “Looks like you want to have kids na. Gusto mo na bang gumawa na tayo?” pagbibiro ko.


Amethyst' eyes widen. Mabilis n'yang tinakpan ang mukha nang hindi n'ya mapigilang ngumiti.


Napahalakhak ako sa reaksyon n'ya. “Nagiging pilya ka na, ah? Who taught you?”


On our way to our date place, nahanap ko ang sarili kong nakikipag tawanan kay Amethyst habang nag da-drive ako. Papunta kami ngayon sa kung saan may sorpresa akong inihanda para sa kan'ya.


It has been 3 months since the day we officially dated each other. Girlfriend ko na rin sa wakas ang ex-wife ko.


“Izrael?” tawag ni Amethyst sa akin.


I glance at her. “Bakit? Nagugutom ka ba?”


Umiling s'ya. “Tatlong buwan na akong walang naririnig tungkol kay Ae, pati na rin sa pinsan kong si Top. Sa tingin mo, kumusta na kaya sila? Nagkita na kaya sila ulit?”


“Oo nga 'no? Hindi ako sigurado kay Top, pero si Ae, baka kung saan na napadpad 'yon kakaiwas sa pinsan mo. Ang tigas ng ulo ng babaeng 'yon,” I said, smirking.


Amethyst shifted her seating position paharap sa akin. Napalingon tuloy ako at panandaliang nawala sa focus habang nag da-drive.


“What are you doing, wife?”


“Nothing, gusto lang kitang titigan,” sagot n'yang diretso.


My heart fluttered. Bigla bigla n'ya nalang talaga akong pinapakilig.


“Sige lang, mag drive ka lang d'yan, Izrael. Don't mind me,” aniya pa na patuloy na nakatitig sa akin. Nakangiting nakasandal ang ulo n'ya sa sandalan nang dapuan ko s'ya ng tingin.


Akala ko talaga t-titigan n'ya lang ako buong byahe, pero ilang minuto lang ang lumipas ay nakatulog na s'ya pagka tingin kong muli sa kan'ya.


“Ang gandang scammer naman nito,” natatawa kong sabi.


Itinabi ko muna ang sasakyan para ayusin ang pagkaka sandal n'ya at maging maayos naman ang tulog n'ya. Dahan-dahan kong ibinaba ang sandalan para mas komportable s'ya. Inabot ko rin galing sa likod ang nakasabit kong long sleeves polo at ginawa kong kumot n'ya.


Pagkatapos nun ay bumalik ulit ako sa pagmamaneho. Malapit-lapit na rin naman kami sa destinasyon namin. At sinisigurado kong matutuwa si Amethyst kung saan ko man s'ya dadalhin ngayon.




-
“Gising na, asawa ko. Andito na tayo.”


Hanggang sa nakarating kami ay natutulog parin si Amethyst kaya wala akong choice para gisingin s'ya. Alam ko na rin kasi na bawal sa kanya ang mag over sleep kaya mas mainam na gisingin s'ya kesa hintayin s'yang magising.


“Wife, andito na tayo. Asawa koooooo,” patuloy ang pag gising ko sa kanya at sinamahan ko na rin ng pangungulit.


I played with the tip of her nose. Iniipit ko 'yon sa daliri ko na sakto lang na hindi natatakpan ang butas ng ilong n'ya. At nang idilat ni Amethyst ang mata n'ya ay nakakunot na ang kanyang noo.


She's My Ex-wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon