KABANATA 5

32.4K 963 278
                                    

IZRAEL's POV


Tulalang nakaupo ako sa sofa. What is happening is still processing in me. Parang ayaw pa nga ng utak ko na tanggapin ang mga nalaman.


Pabalik balik ang tingin ko sa divorce paper na parang gusto kong tumawa. Joke time ba 'to? Handa na akong tumawa sa kalokohang 'to.


It was denied by the court? Bakit naman? Sa dalawang taon na lumipas ay hindi pala kami tuloyang na divorce? Ano bang klaseng judge ang nakuha namin?


"You both got scammed. Hindi n'yo man lang ba kinilala yung judge na nag divorce kuno sa inyo? And why did no one of you double checked the papers?" tanong ni papa. Kahit s'ya ay hindi makapaniwala sa nangyari.


“We got scammed?” I asked, confused. Narinig ko naman sinabi ni papa pero hindi ko maintindihan. Anong na scam kami?


“Yes. Hindi licensed judge yung kinuha n'yo. Scammer yon at madami nang failed marriage at divorce ang nadali nun, nasa presinto na rin s'ya. Hindi ka man lang ba nag background check, Izrael?”


Ako? Ako pa may kasalan ngayon? Bakit ako? Ako ba gustong makipag divorce?


I looked at Amethyst then back to my dad. “Pa, hindi ko naman alam na may mga ganyang scammer-


“I'm sorry, tito. Hindi na po namin nagawa ang mag background check,” putol ni Amethyst sa sinasabi ko. Tumingin kaming lahat sa kan'ya. “The blame is on me for not coming with Izrael sa araw ng divorce namin. I'm sorry po.”


Bumuntong hininga si papa at sumandal sa inuupuan n'ya. “Ano ba kasing nangyari nitong nakaraang dalawang taon at ginusto n'yong mag hiwalay?” seryoso nitong tanong.


Wala akong naisagot. Ano naman kasi ang sasabihin ko? Si Amethyst lang naman siguro ang may rason kaya gusto nyang mag divorce kami nun.


May tumikhim kaya napatingin kaming lahat sa kan'ya. "Personal issues, balae. My daughter need to go abroad that time," tita Aurelia answered my dad's question.


Napasulyap ako kay Amethyst na nakatingin sa mommy n'ya. Gaano ba personal ang rason n'ya na kahit sa akin na asawa n'ya ay hindi nya sinabi? May kasalanan ba ako sa kan'ya?


Sabagay, napilitan nga lang pala kaming magpakasal sa isa't isa. Sino ba naman ako para kay Amethyst?


“We understand the privacy you want to keep pero sana inasikaso n'yo ni Izrael ng maayos ang divorce n'yo,” mahinahong pagkausap ni papa kay Amethyst.


"It's alright, hon. I guess, we just have to file another divorce for them since they wanted it. And para this time, may alam na tayo." Mama smiled at us.


"You're right, Iana. Hindi iyong malalaman nalang natin na nag divorce sila pero na deny naman pala." Tumawa si tita Aurelia.


"Maybe it's the destiny that won't let you part ways," aniya ng dad ni Amethyst. Ngayon ko lang narinig ang boses n'ya sa halos isang oras na naming andito. Tahimik lang s'ya kanina pa not until now.


Napatingin ang lahat sa kanya, pati na rin si manang na may dalang meryenda.


"I mean, why don't you guys just try again? Baka this time mag work na kayo. Masyado pa kasi kayong mga bata noon para maintindihan ang mga nangyari. Pero siguro naman ngayon ay magkakaintindihan na kayo. Don't close your heart for each other. Iniisip nyo kasi na fix marriage lang kayo kaya ayaw mag work," dagdag pa ni tito.


Pinunan naman ito ni dad. "Your tito is right, Izrael. Try to get to know Amethyst. Try getting to know each other."


Naks naman, tito and dad. Kung alam n'yo lang po ang pinagdaanan ko at ang pagpipigil kong hindi na ma involve sa kan'ya ulit. Tapos ngayon ay sasabihin n'yong subukan namin? Well, I tried. 2 years ago, I tried understanding her.


She's My Ex-wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon