KABANATA 16

25.3K 651 218
                                    


AMETHYST


Pinakiramdaman ko ang tibok ng puso matapos kong makapasok sa bahay. Izrael already left. Ngunit ang epekto ng ginawa n'ya kanina ay ramdam ko parin.


Dahil talaga sa lalaking 'yon kaya nag l-lag palagi ang utak ko. Hindi ko alam kung kailan at kung paano s'ya sasagotin sa mga tanong n'ya. Lalo na sa mga sinabi n'ya kanina.


Hindi man lang ako naka-rebat. Wala kaming maayos na pag uusap dahil sa mga biro n'ya.


Biro?


‘Oo nga, baka nagbibiro lang talaga s'ya kahit sinabi n'ya nang hindi raw. Imposibleng gusto n'ya akong ligawan' tugon ng isip ko.


“Amethyst!”


Sinalubong ako ng isang mahigpit na yakap ng ate ko.


Isang maliit na braso rin ang pumulupot sa baywang ko. “Tita!” Si Yanni. Mag-ina nga silang dalawa.


I hug them back. “Namiss n'yo 'ko agad? Ilang araw lang naman akong wala.” Kinarga ko ang nakadikit parin sa 'kin na si Yanni. Alangan namang si ate ang kargahin ko.


“Wuy! Nakita namin 'yon,” bulong ni ate. Ngumuso nguso pa s'ya sa bandang pinto.


Hindi ko agad naintindihan ang sinabi n'ya “Ang alin?”


“Si Izrael 'yon, 'di ba? Anong nangyari? Nagkabalikan na kayo? Sabi ko na nga ba!”


“Inihatid lang ako nung tao, ate. Walang malisya ron,” sagot ko sa mga tanong n'ya. Ayan na naman kasi s'ya sa pangunguna n'ya. Kapag talaga nausog ang lovelife ko ay wala na akong ibang sisisihin kundi ang ate ko.


Tumabi si ate sa 'kin nang maupo ako sa sofa. “Aysus! Kasama ba sa paghatid ang halik sa noo?” Hinalikan n'ya pa sa noo si Yanni na nasa kandungan ko. “Ano 'yon, bayad?” Humagikgik silang dalawa.


Inaasar ba nila ako?


“May masama ba sa halik sa noo?” inosente kong tanong. “Mas masama ang bigla ka nalang halikan kasi maingay ka.” Napanguso ako nang maalala ang nangyari kagabi.


Izrael did kissed me.


“AYIEEE!” biglang tili ng mag-ina.


“Tita who kissed you?”


Nanlaki ang mata ko. “Pati ba naman ikaw, Yanni? Akala ko ba kakampihan mo si tita?” pinisil ko ang magkabila n'yang pisnge.


Tumango s'ya. “Kakampihan po kita kapag si tito Izrael ang humalik sa 'yo,”


Tumawa lang ang ina nito. Wala man lang planong sitahin ang anak.


“Yanni, masyado ka pang bata para sa ganitong usapan. Sino ba ang nag turo sa 'yo n'yan at pipingutin ko,”


Humagikgik si yanni saka bumaba sa kandungan ko. “Si mommy po,” sagot n'ya saka mabilis na tumakbo.


Tiningnan ko ng masama si ate. She smiled at me. “Mild lang naman ang tinuro ko sa bata. I told her to like Izrael for you instead of someone else,” depensa nito.


“Gaga,”


Hinarap ako ni ate at kinuha ang isang kamay ko. “Seryoso na, Amethyst, kumusta kayo?”


I sighed. Tuloyan kong kinuwento kay ate ang mga nangyari.



»



“Seryoso naman ata s'ya sa 'yo,” aniya matapos kong sabihin ang tungkol sa nangyari kanina.


She's My Ex-wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon