KABANATA 12 - REASON BEHIND REASON

29.8K 769 30
                                    


AMETHYST's FLASHBACK


“Where is she, Amethyst!? F-ck this! Alam kong alam mo kung nasaan s'ya kaya sabihin mo na!” Sigaw ni Izrael sa akin.


Boyfriend s'ya ng kaibigan ko. Hindi ko maintindihan kung bakit sa akin s'ya nagagalit 'e wala naman akong alam sa mga nangyayari.


Bukod sa umalis na ang kaibigan ko ay wala na akong iba pang nalalaman.


“Tangina naman! I want to talk to her and I need her right now. Hindi ako aalis rito hangga't hindi s'ya humaharap sa 'kin.”


Matigas ang ulo ng isang 'to.


“Nasabi ko na sa'yo ang nalalaman ko. Umalis na rito ang kaibigan ko at ni hindi ko nga alam na umalis na s'ya Wala kang mapapala sa 'kin, Izrael.”


Hindi nagpa tinag si Izrael. Pumasok siya sa condo ko at tumungo sa kwarto na dating tinutuluyan ng kaibigan ko.


“Ang tigas din ng ulo mo 'e 'no? Wala nga s'ya rito!” Sinundan ko sya dahil lahat na ng kwarto ng condo ko ay binuksan n'ya na.


“Damn it! Nasaan ba kasi s'ya!? Nasaan!”


Nagulat ako at kinabahan nang sinuntok n'ya ang pinto ng kwarto ko. Ramdam ko ang panghihina dahil sa gulat kaya napahawak ako sa puso ko.


Ngayon lang ako natakot ng ganito dahil iniiwasan kong mabahala. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa gulat 'e.


Tahimik kong kinalma ang sarili kahit na sumasakit na ang puso ko. ‘Maayos lang ang lahat, Amethyst. Aalis rin ang lalaking 'yan’ pagpapakalma ko sa sarili.


Napaatras ako nang harapin ako ni Izrael. Hindi ko s'ya gaanong kilala pero madalas ko s'yang makita dahil sa girlfriend n'ya na kaibigan ko.


Humakbang s'ya papalapit sa akin. Umiigting ang panga n'ya dahil siguro sa galit s'ya. “I would ask you one last time. Where. Is. She. Where's that friend of yours, Amethyst?!”


Hinahabol ko na ang hininga sa sobrang kaba. “H-Hindi ko nga alam-


“Alam mo bang ninakawan ako ng kaibigan mo? Dang it! Limang milyon ang nakuha n'ya sa'kin! At ngayon, itinatakwil ako ng parents ko dahil don. She stole my money, my trust and she broke my heart. Tangina! I trusted her! Pero sinira n'ya ang lang buhay ko,” bigla itong napaluhod.


Nawala ang parang tigreng nagwawala kanina, napalitan ito ng isang tuta na animo'y kinawawa ng lahat.


Hindi ako makapaniwala sa mga narinig mula sa kan'ya. Totoo ba 'yon? Ninakawan s'ya ng kaibigan ko? Pano naman nangyari 'yon?


“I trusted her, Amethyst. Kaya hindi ko alam kung nasaan na s'ya at ang pera ko. Pero kahit wag na ang pera ko, kahit s'ya nalang ang bumalik. Patatawarin ko s'ya. Kaya nasaan na s'ya, Amethyst? Nasaan na sya?” paulit ulit n'yang sambit sa mga salitang nasaan na s'ya.


Isa lang din naman ang sagot ko kahit bali-baliktarin ko pa ang utak ko.


“Hindi ko alam. Kahapon lang ay umalis sya, akala ko ay babalik sya agad pero hanggang ngayon ay wala pa rin,” sagot ko.


Tumingala si Izrael at pinalis ang luhang nagbadyang tumulo sa pisnge niya.


Ngayon lang ako nakakita ng lalaking umiiyak. Gano'n n'ya ba ka mahal ang kaibigan ko? Gano'n ba s'ya kahalaga na kahit niloko s'ya nito ay mapapatawad n'ya?


She's My Ex-wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon