KABANATA 9

26.2K 828 176
                                    


AMETHYST


“How about you?” he asked back.


Iminulat ko ang mga mata saka s'ya tiningnan. Nakatingala s'ya sa langit na parang ang lalim ng mga iniisip.


Imagine, you were asked by someone you like if you like somebody right now. Anong isasagot mo? Makakasagot ka ba? Or you will just stare at him until he'd realize it's actually him that you like.


Tulad ng ginagawa ko ngayon.


Tahimik na nakatitig lang ako kay Izrael. Hindi ko magawang isatinig ang sagot ko kaya tinitigan ko nalang ang s'yang sagot sa tanong n'ya.


S'ya.


S'ya ang sagot ko sa tanong n'ya.


“May dumi ba ako sa mukha?” Nilingon ako ni Izrael dahil siguro sa titig ko.


“W-Wala naman,” nauutal kong sagot dahil sa pagkabigla. Mabilis ko ring ibinaling sa ibang direksyon ang tingin ko.


“Hindi mo man lang sinagot ang una kong tanong samantalang sinagot ko naman ang sa 'yo.” Kumunot ang noo niya.


“I did. Baka hindi mo lang narinig,” depensa ko sa sarili. Pero talagang hindi mo maririnig 'yon, Izrael. Hindi naman nag sasalita ang mata 'ko.


“Totoo?” paniniguro n'ya.


I nodded. “Oo. Sa susunod kasi makinig ka sa kausap mo, hindi na nasa iba naka tuon ang diwa mo.” Nag kunwari pa ako na sinisermonan s'ya.


Nagkamot si Izrael ng batok saka hindi na nangulit pa.


Gusto ko nalang tumawa sa reaksyon n'ya. Talagang naniwala sya sa sinabi kong nasagot ko na ang tanong n'ya.


“Hindi ka parin ba inaantok?” Muling nag salita siya matapos ang mahabang katahimikan.


Nakaramdam ako ng antok dahil sa tanong n'ya. Tumayo na ako para bumalik sariling suite.


I own a restaurant here pero hindi ako ang palaging nag m-manage. It's either a friend of mine or the manager. Ngayon lang ako ulit bumisita rito matapos nila akong tawagan na nagka problema raw.


Inaayos pa hanggang ngayon ang problema kaya siguro ay hindi pa ako makakaalis dito.


“Babalik na ako sa suite ko. Ikaw din, bumalik ka na.” Tumalikod na ako.


Hindi ko na hinintay ang sagot n'ya.


“Palagi mo bang gagawin 'yan?” Sumunod si Izrael sa akin.


“Ang alin?” Kunwari ay hindi ko alam ang ibig n'yang sabihin.


Pinantayan n'ya ang lakad ko. “Umaalis ka kaagad kahit hindi pa ako nakakasagot. Hindi mo man lang ako hinahayaang mag salita bago ka umalis.”


“Sorry,” tanging nasagot ko na lamang. Sinasadya ko kasing gawin 'yon at ang malamang napansin ni Izrael 'yon ay parang nakaka-guilty.


“Ang awkward naman nating mag asawa,” sambit niya sabay tawa.


Nasa loob kasi kami ng elevator at walang ni isang nagsasalita.


“Amethyst?” tawag n'ya sa 'kin.


“Hmm?”


“Can I ask you something?” Nakatingala s'ya sa numerong nasa elevator. Papunta kaming 7th floor at nasa 5th floor na ang elevator number.


She's My Ex-wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon