KABANATA 23 - FINALE

29.2K 694 242
                                    


AMETHYST


Here we go. The last point of view will be mine, since everything happened because of my selfish decisions.


“Hindi ka ba mag tatanong kung nasaan ako noong mga panahong divorce natin?” tanong ko kay Izrael habang tahimik kaming nakaupo sa buhangin.


Parang kailan lang noong nasa Siargao pa kami at inamin ko ang mga rason ko sa kan'ya. He deserve to know everything, but that time, I was still afraid to tell him that one specific reason.


At ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na sabihin sa kan'ya. Ayoko nang ilihim pa 'to dahil gusto kong magsimula kami ng walang tinatago sa isa't isa.


Hinawakan ni Izrael ang balikat ko at isinandal ako sa dibdib n'ya. “Sinabi ko naman na sayo na hindi na kita tatanungin, ayokong alalahanin mo na naman ang nakaraan dahil alam kong masasaktan ka,” mahinahon n'yang sagot sa akin.


Ipinapakita n'yang ayaw n'yang mag tanong pero kahit hindi n'ya sabihin, alam kong gusto n'yang malaman at handa s'yang makinig.


“I went to India the same day of our divorce. Kaya wala ako noon, I'm sorry,”


“Amethyst, matagal na 'yon. Let's not-


“Schedule kasi ng heart transplant ko that month,”


Hindi nakapagsalita si Izrael dahil sa mga sinabi ko kaya nagpatuloy na ako sa pagsasalita.


“2 years ago, I had cardiovascular surgery. Walang ibang nakakaalam no'n bukod sa family and other relatives ko. Kahit gusto nila mom na samahan ako, hindi ako pumayag. I chose to be alone in the process of healing. Dahil hindi ako sigurado kung talaga bang madudugtungan ng surgery ang buhay ko, mas mabuting malayo ako kina mom upang hindi nila makitang unti unti akong mamamatay kung sakaling failed ang surgery. Rason kung bakit noong hindi pa ako naka tanggap ng heart transplant ay panay ang tulak ko sa'yo palayo. Ayokong ma-attach ka sa'kin, ayokong mahalin mo ko dahil alam kong kapag minahal mo ko ng sobra sa mga panahong 'yon at may nangyaring masama sa akin, paniguradong masasaktan kita ng sobra. I pushed you away to protect your heart from me, kahit na may posibilidad na pagsisihan kong iniwan kita. At least, I did it to protect you from breaking your heart,” mahaba at dire-diretso kong kwento.


“But then I found out na nasaktan parin pala kita, nakakaguilty, I'm really sorry,” dagdag ko nang maalala ang mga nalaman ko sa Siargao.


I suddenly felt an arm wrapped around my waist. Niyakap nya ako na puno ng pag-iingat at pagmamahal.


“You've suffered a lot more than I did, wife. Hindi ako magagalit sa'yo kaya don't be sorry. Nanghihinayang man ako na hindi kita naalagaan sa mga panahong 'yon, pero ngayon alam ko na na mas kailangan kitang alagaan. Babawi ako, aalagaan kita at hindi ko hahayaang mag-isa ka na naman,” wika n'ya sa mababang boses.


May kung ano akong naramdaman sa balikat ko at bago ko tingnan yon ay muling nag salita si Izrael.


“Naku! Umuulan ata,” sumisinghot na sabi n'ya.


Namilog ang mata ko nang tingalain ko s'ya. Bumungad sa akin ang namumula n'yang ilong at may luha n'yang mga mata. Kaya pala may tumulo sa balikat ko, umiiyak na pala s'ya.


Mabilis akong umayos ng upo paharap sa kanya. Kahit hindi s'ya humihikbi, patuloy naman ang pagtulo ng luha n'ya.


Inilagay ko ang dalawang palad sa pisnge ni Izrael habang dahan dahan namang pinupunasan ng mga hinlalaki ko ang luha n'ya.


I cupped his face sabay sabing, “Sinong umaway sa boyfriend ko? Bakit n'yo pinapaiyak ang boyfriend ko? Hindi na kayo naawa sa boyfriend ko,” nakanguso kong sabi sabay halik sa namumula n'yang ilong. Natawa na tuloy s'ya sa pinaggagawa ko.


“Tito, inaaway ka po ba ni tita Amethyst? Ako na ba ulit ang favorite mo?” biglang sumulpot si Yanni. Bitbit n'ya parin ang bulaklak na ibinigay ko kay Izrael.


Inalis ko ang kamay sa pisnge ni Izrael saka tinuro ang hawak ni Yanni. “Lagot ka! Kinuha mo kasi yan sa kan'ya kaya s'ya umiiyak,” pananakot ko kay Yanni.


Imbes na matakot s'ya ay kinunotan n'ya lamang ako ng noo. Nag mana nga talaga sya sa nanay n'ya, hindi mabilis mauto.


“Okay lang yan, tito Izrael. Umiyak ka lang po r'yan, kesa naman ako ang umiyak 'di ba? Borrow lang naman ako sa toy mo 'e,” nakangusong depensa ng bata.


Nilingon ko si Izrael at hindi na napigilang tumawa. Oo nga naman, mas okay nang si Izrael ang umiyak, tahimik lang ang paligid. Di gaya nitong makulit na bata, yayanigin nito ang buong isla kapag ito ang umiyak.


“Mana ka talaga sa nanay mo,” naiiling kong sambit.


“Pero kay papa raw po ako nagmana,”  pangangatwiran pa ni Yanni sabay upo sa kandungan ni Izrael


Nanlaki ang mata ko. “B-boyfriend ko yan, Yanni. Dito ka kay tita, dali.” Tinapik ko ang kandungan ko para lumipat s'ya sa'kin.


“Gusto mong kandunging din kita?”


Nanlaki ang mata ko sa tanong ni Izrael. “W-what are you saying?”


Malakas s'yang tumawa at mabilis na tumayo. Kinarga n'ya rin si Yanni “Kakandungin kita kapagkatapos ng kasal natin,” makabuluhan s'yang ngumiti na nagpa tahimik sa akin.


“Gusto mong mag swimming, Yanni?” he asked my niece.


“Opo! How about you, tita?” Nilingon ako ni Yanni pero si Izrael ang sumagot.


“Ikaw lang pwedeng mag swimming, yanni, kasi wala s'yang dalang extra na damit. At ako ang babysitter mo ngayon dahil nag l-lag na naman ang tita mo.” Humahagikgik silang umalis at iniwan akong nakatunganga.


Hindi ako slow para hindi agad maintindihan ang mga sinabi ni Izrael kanina. It obviously mean something else. Myghad! Magkakaroon na naman ata ako ng sakit sa puso kapag sinabi n'ya pa ulit 'yon.


Susmaryosep ka, Izrael Stavros!


Tumayo ako agad nang makabawi mula sa pagkagulat, pagkatapos ay pinuntahan ko sila na nagtatampisaw na sa tubig dagat.


Bago ko sila tuluyang nilapitan ay pinagmasdan ko muna silang naglalaro sa tubig. Napaka gandang tingnan ng mga ngiti ni Izrael habang nakikipaglaro kay Yanni. Dumagdag pa ang magandang sunset sa langit.


“Ganda, gusto mong maligo?” tanong ni Izrael nang makalapit ako sa kanila, pero tulad nga ng sabi n'ya kanina hindi ako makalapit sa tubig dahil wala akong extrang damit.


Umiling nalang ako at patuloy silang pinagmasdan.


Masyado nang magaan ang loob ng pamilya ko kay Izrael. Wala na ring balakid para magdalawang isip pa ako. Ubos na rin ang rason para bitawan at itulak ko ulit ang lalaking 'to.


Handa na ako sa muling pagsisimula namin ni Izrael. Handa na ako. Buo at sigurado na ang desisyon ko. Pinapangako ko ring hindi ko na s'ya ulit isasakripisyo.


Kaya para kay Izrael Stavros ko,
Hanggang sa muling I do, ipagtatagpo at magtatagpo tayo.

















~ wakas ~



She's My Ex-wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon