I. Dadako sa Kabilang Dako
Tatalon akong may bahid nang pagkat'wa,
Tatalikod sa pagguho ng talampas,
Nakaraang taóng suson ng nagdusa,
Iiwan sa dulo, ito'ng pahimakas.
II. Sa Panibagong Pahina
Papasok ako panibagong akda,
Puno ng pag-asa, walang namimintas,
Walang nanghihilang kumunoy at sigwa,
Walang pananakit, malayo sa malas.