MAGTANIM NG TAWAD

2 0 0
                                    



Batong hadlang sa puso'y nabawasan ang bigat,

'Pagkat iyong piniling 'wag makulong sa sugat.

Kahapong hapô ka ma't may sala yaong salat,

Gawin mong pamamanhik nang magbawas ang tinik.

Tangan nating ligaya'y mula sa pagpatawad,

Ating pagkamatapang, iginuhit sa palad.

Hindi ka isang duwag o lalong hindi huwad,

May mabuti kang puso't walang silid ang poot.

Luna at PlumaWhere stories live. Discover now