HALIK(A) SA PARAISO

2 0 0
                                    



M - asdan mo ang paligid, s'yang hindi nangangawit,

A - muyin mo ang hangin, sariwang durungawan.

S - ilipin bawat buhay, panunupil ay iwan,

D - atnan ang kasiyahan ng humuhuning pipit.

A - lip-ip sa masukal, mayroong pagkangalit,

N - isnis sila't pinagal, may kinatatakutan.

A - ng pang-aapi ninyo ay dapat nang tuldukan,

N - gawa nila'y pakinggan; 'tigil ang pananakit!

G - abundok ang biyaya, kalikasang umawit,

P - agyamanin ang likas, 'di ang bitag na tangan.

A - ruga ng malamig na kamay— panambitan,

R - etratong papatunay, sa líkas 'wag masungit!

A - ng halik ng bulaklak, sa bibig ko'y sumingit,

I - bong tinitingala, sa 'kin nagsidapuan.

S - andamakmak ang saya; paraiso'y minasdan,

O - kaysarap mabuhay, paligid tila'y langit!

Luna at PlumaWhere stories live. Discover now