PAREHO LANG

2 0 0
                                    


Sa muling pagbuklat niring bagong aklat,

Banaag sa kristal ng mata kong mulat,

Mayro'ng umiiyak, napunit ang peklat,

Oo, pareho lang; 'di ligtas ang lahat!

Sinag ng pag-asa sa 'di kalayuan,

Masyadong mailap, 'di ko malapitan.

Oo, pareho lang sa taóng nagdaan,

Tiwala lang sa D'yos, kahit ano pa man.

Luna at PlumaWhere stories live. Discover now