HULI KA(M)

3 0 0
                                    



Sa silong ng dampa, niring dapit-hapon,

tanaw ko ang bagsik, 'singlakas ng alon.

Kumunoy ang titik nang 'di pagsang-ayon,

dumugtong ng gatong 'tong batang tsaperon.

Rinig ko ang putok, balang nanghimasok,

at nagpatihaya, abâ'y nasa sulok.

May kamay na bakal, may sayad sa batok;

ang kan'yang eksena, sa masa'y pagkatok.

Tsapang kan'yang angkin, 'paanod sa alon,

prinsipyong baluktot, lunurin sa balon.

Siyang lisensyadong madaling napikon,

t'yak bagay sa gubat, nagmistulang leon.

Sinong tatakbuhan kung punó ng dagok;

punong abusado, sanggalang ang tuktok?

Akong isang lenteng saksi sa pagputok—

ang ihaharap mo sa husgadong bulok.



🔹 Tulang Tradisyunal

🔹 Sesura 6/6

Luna at PlumaWhere stories live. Discover now