SAULO

4 0 0
                                    


SAULO: ANG PAGBALIK SA SABSABAN


T-angke s'yang kabagay, || walang pagtitimpi,

E-hemplong masama, || isang alimpuyo.

R-ekadong panudla'y || tradisyon ng lipi,

O-rasyong 'tinuro, balakyot ang plano.

R-umadyong pantugis, || paninirang puri,

I-nilayo'ng tao, || 'nilapit sa mali.

S-ukab ang bunganga, || sa tama'y nandiri,

T-umambay sa rungis, || anggulo ng imbi.

A-nlawan ng puso, || narinig ang Turo.

N-abulag sa tanglaw, || Diyos ay tinungo.

G-ampani'y sinuklay, || sumibad— araro,

S-umikhay ang Hudyo, || handa at mabango.

A-puhapi'y tama, || lumihis sa pako.

U-mani ng tapang, || D'yos ang kumandili.

L-ungga ng karimlan, || mayroong humango.

O-ras ng Maylikha, || may p'wang sa mabuti.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 17, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Luna at PlumaWhere stories live. Discover now