PIRING AT LASON

3 0 0
                                    



Kabagay niring diwa, nararapat pagpagin,

Hindi karapat-dapat; silang nakabubulag.

Samyo ng awtoridad, na sila'y tingalain,

Yaong nasa luklukang 'di mahing'an ng habag.

Waring malyeteng bakal, ang kanilang kabagay,

Pukpukan ng martilyo, hustisyang minsa'y huwad.

Patuloy na naghari, manligalig sa pilay,

Masang pipi'y may busal, alabok na't sinagad.

Nalihis sa layunin, may sayad na sa utak,

Orasyon ng diyablo, isinambit ng bibig.

Laway ng inhustisya, nanlason sa pumutak,

Silang mga alabok, pumapatay sa titig.


🔹Tulang Tradisyunal

🔹Sesura 7/7

Luna at PlumaWhere stories live. Discover now