KULANG AT SOBRA

4 0 0
                                    


Kung bakit ganoon ang pagkakataon,

Mapangmatang mata'y sa akin ang tuon.

Akông nasa gitna, pirmeng natutukoy,

Balat kong maitim, pansin nila tuloy!

Kung bakit nadapa, ilong 'di bumangon,

Mata kong malaki, 'di akma sa lupon.

Bakit daw mataba, sa kusina'ng tuloy?

Habang ako itong payapang nanaghoy.

Naiiba ako, 'yan lamang ang tugon.

Sila ang mansanas, kanilang tinipon.

'Sang lumboy sa kahon akong isinaboy,

Sa k'wadradong sulok ng bahay na kahoy!

'Di ako marikit, abo lang sa alon,

Hindi hugis-bote, taba lang naipon,

Sa aking katawan, pagkai'y dumaloy.

Kaliwa ang paa, pagsayaw sa ugoy!


Sesura 6/6

(Pangalawa at naiiba sa magkakapatid)

Luna at PlumaWhere stories live. Discover now