Chapter 2: Blue drug

404 20 0
                                    

Chapter 2: Blue drug

Naiwan ako dito sa S.A. dahil malamang ay ginagawa na ng ibang members ang ibinigay sa kanila ni kuya na gawain.

Ako naman ay magrereasearch na lang siguro dito dahil wala naman ng ibang ibinigay sa akin si kuya.

Ang sinabi niya lang sa letter ay DANGER AMETHYST.

Red alert means danger, ang quarts of violet means amethyst. Kaya magreresearch na lang siguro ako kung anong ibig sabihi-----teka...

Agad na pumunta ako sa may lamesa at tiningnan ang papel na kung saan ay may mga pangalan namin.

"Number 6. Amethyst Loise Jamaico" naningkit ang aking mga mata habang binasa ang pangalan na iyon.

Amethyst... Hindi kaya, siya ang tinutukoy ni kuya na danger?

Kung oo, I wonder why?

Napatingin naman ako sa pinto nang bigla iyong bumakas. Though malayo iyon dahil malawak ang lugar na to, malalaman mo pa rin na may bumakas ng pinto dahil nagkakaroon ng pagring ng bell, sa kada bukas ng pinto.

Tumakbo naman papalapit sa akin ang babae na hinihingal.

Di ko siya mamukaan so probably she's a transferee.

"Huff. Huff.. Sorry I'm late. I'm Amethyst Loise Jamaico. The sixth member of the S.A"

'What the?! Is she the danger that kuya was talking  about?!'


*****

"H-hi uhm.. Y-you must be Amethyst Loise Jamaico? t-the sixth member of the S.A?" utal utal na tanong ni Keisha. Nandito kasi kami sa may highschool building para makapaglibot and we happen to bump into Keira kaya ipinakilala ko na rin sila. Halos magdadalawang oras na rin kaming naglilibot libot dito ni Loise.

Tumango naman si Loise. I prefer to call her by her second name.

"I am. So, you must be Keisha, right? Since tatlo lang rin tayong mga babae" nakangiting sabi ni Loise. "Nice to meet you. I can't wait to meet the others. Pasensya na rin kung nalate ako hehe" paghingi niya pa ng paumanhin. Nagsimula namang mag-usap ang dalawa kong kasama.

I don't know why but I have this strange feeling about her. Hmm.. she looks kind, sweet, and innocent looking pero bakit ganun? Why do I have this feeling that I must suspect her of something?

Sa di naman kalayuan ay nakita ko si Nathan, wearing a worried look on his face. Then, I remembered something.

flashback

Isinara ko na ang aking laptop dahil matutulog na sana ako nang pumasok sa kwarto ko si daddy. "Anak, do you have a minute?"

"I was about to sleep dad pero mukhang may importante kang sasabihin kaya we can talk naman muna" I said at lumapit sa kanya. "What is it dad?"

"Violet Baesa. She has two sons. And her main goal was to create a certain drug which can heal her first born son" dad explained.

Kumunot naman ang aking noo dahil sa nalaman ko. 'So that was the hidden and main agenda of that experiment?'

May kinuha si dad sa kanyang bulsa at nanlaki ang aking mga mata nang makita ang isang blue liquid drug na nasa isang maliit na bote. "D-dad... I-is that--" dad cut me off and nodded.

"It is. Now, I want you to save her son. Let him drink this" dad seriously said.

Kinuha ko naman ang bote at tiningnan iyon. "Hmm.. Okay dad pero paano ko malalaman kung sino siya?" I asked.

"Her second son is probably 18 now, so his 1st born son is 20. And you can ask Nathan para makita mo ang kapatid niya. Save him okay?"

I smiled and nodded. "I will dad"

"Another thing. If something happens, go to our room and look for 'the' notebook"

end of flashback.

Ewan ko kung anong ibig sabihin ni dad about sa last na sinabi niya. 

"Maiwan ko muna kayo ha? May pupuntahan lang ako saglit" paalam ko. Hindi ko na sila hinayaan na makapagsalita pa dahil agad na tumakbo ako sa direksyon ni Nathan.

"Nathan! Nathan!" I called him but he's not looking back at me. Tumakbo pa nga siya kaya't mas binilisan ko pa ang takbo ko.

"Nathan teka!" I yelled at di rin nagtagal ay nahabol ko siya.

"T-teka Avie. E-emergency lang" Basing from his voice, I know he's indeed in panic.

"Is it about your brother?" I asked. Nanlaki naman ang kanyang mga mata sa gulat.

"H-how did you--" hindi ko naman na siya pinatapos pa.

"I can help. I can save your brother. Dalhin mo ako kung nasaan siya" I said, straightly looking into his eyes.

Mukhang naguguluhan pa nga siya pero sa huli ay isinama nga niya ako papunta sa isang secret lab na naman at pumasok kami sa isang kwarto.

And there. I saw him. I saw his brother, laying down on the bed, at maraming nakatusok sa kanya. He was handsome too pero mukhang sakitin siya at malala na ngayon ang lagay niya.

"W-what---" I wasn't able to finish what was I about to say when Nathan explained.

"Sakitin siya. And he wouldn't struggle like this if mother didn't made efforts"

"What do you mean?" I asked.

"Malaking tulong ang mga experiments ni mama sa drugs. Without it, my brother would've died long ago"

Geez! So his brother kept on struggling all this years?!

"After the intake of the imperfected drugs  mother made, he was healing. But since that was an imperfected drug, bumabalik pa rin siya sa ganyang lagay" 

Huminga naman ako ng malalim at kinuha ko ang bote na ibinigay sa akin ni dad.

"This blue drug will definitely heal him" I seriously said.

"I-Is that---"

I nodded. "Yes. This was the drug that your mother was trying to make. This drug is dangerous too kaya't itinago lang ni dad ang info about dito. This would be a big deal among the dangerous organizations in case it got leaked"

Hinigpitan ko ang kapit ko sa bote at naglakad papalapit sa kuya niya. Gising na ito pero mukhang hirap na hirap talaga siya.

I opened the bottle and looked at him. "Hey, you can still drink, right? Here, drink this. And I promise, you'll get better for good" I said.

He hesitated at first pero nang makita niya ang kapatid niyang si Nathan ay ininom naman niya ito. 

Then.... He was calm and his eyes were closed.

'Looks like the drug took its effect already'

I was about to leave when suddenly, he grabs me by my arm and... and... 

Kissed me?!

Nanlaki ang aking mga mata nang halikan niya ako. Di rin naman iyon nagtagal dahil agad na naitulak ko siya at ako naman ay napaatras.

Matutumba pa nga sana nang masalo agad ako ni Nathan.

"Heiji!" medyo pagalit na sigaw ni Nathan sa kapatid niya. "Avie? Are you okay?" he worriedly asked.

Napahawak naman ako sa aking labi at napapikit pa ng ilang beses. 

"I just got kissed by a stranger I saved"

Detective sensesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon