CP18:Dum Spiro, Spero

31.1K 1K 261
                                    

Nagsimula na ang mga tatlong grupo na gawin ang nai-atas sa kanila. Sa grupo nila Sakura, ang leader na si Auel ay abala sa pagbi-bigay ng panuto sa kanyang sampung miyembro. Pinapanood lang sila ni Sakura na nakaupo sa gilid, nakatingin ang guro sa malawak na kalangitan habang may malalim na iniisip. Sa gitna ng diskusyon, naantala ang pagsasalita ni Auel nang biglang tumunog ang cellphone.

Auel:"M-Ma'am Sakura?!" Natataranta niyang banggit. Dahan-dahang tumayo si Sakura sa kanyang pagkakaupo. Kitang-kita sa mukha ng dalaga ang lungkot, sa kadahilanang nauulit ang mga hindi dapat. Unti-unting nangyayare ang mga naganap sa nakaraan. Nagsimula nang maglakad si Auel papunta sa direksyon ng guro, pagkatapos, ibinigay niya kaagad ang telepono.

Sakura:"Hello? Anong problema?" Seryosong panimulang bati ng guro sa kabilang linya.

Keiffer:"Ma'am! Kailangan niyo na pong bumalik dito sa villa! Emergency po!" Wika ng binata sa kabilang linya. Bakas sa kanyang boses ang pagkataranta, takot at paga-alala sa mga nangyayare. Nang marinig ito ni Sakura ay agad niyang pinutol ang linya. Dali-dali niyang pinuntahan si Auel at nagpaalam.

Sakura:"Auel, ikaw na muna ang bahala sa mga kagrupo mo. Huwag kayong titigil hanggang hindi niyo nahahanap si Lee Miww. Nasa gilid-gilid lang yun, hindi pa sigurado yun nakakalayo. Kailangan kong bumalik sa villa, emergency lang ha?" Tuloy-tuloy niyang pagpa-paliwanag sa binata. Tumango lang si Auel sa sinabi ng guro. Nang makapag-paalam na, kumaripas ng takbo si Sakura pabalik sa villa. Naiwan naman sa may harapan ng gubat ang grupo nila Auel. May nakita siyang isang maliit na punong kahoy na putol, tinungtungan niya ito at kinuha ang atensyon ng kanyang mga kagrupo.

Auel:"Okay! Listen up guys! Nandirito tayo para hanapin ang ating kaklaseng si Lee Miww, kailangan ko ang isang daang porsyento niyong kooperasyon. Sa gayun, magagawa natin itong operasyong ito ng successful at walang palya."  Pagpapaliwanag ng binata. Halata naman sa dalawang dalagang si Cheska at Jassie ang hindi pakikinig sa sinasabi ng kanilang leader.

Cheska:"Pfft. If I know pasikat lang yan kay ma'am Sakura. Masyadong pabida, puro salita wala naman sa gawa." Bulong niya kay Jassie na tila natawa sa sinabi sa kanya ng dalaga.

Jassie:"Obvious ba?" Sarcastic niyang pagkasabi. Sa gitna ng pagpapaliwanag ni Auel, naagaw ang kanyang atensyon sa dalawang dilag na busy sa kanilang pagdadal-dalan. Lumapit ito sa harapan nila at tinitigan sila ng seryoso sa mga mata. Tinitigan siya ni Cheska pabalik sa kanyang mga mata habang nakangiti, na tila ba inaasar pa nito ang binata.

Cheska:"Oh? Dahan-dahan lang sa pagtitig, alam ko namang maganda ako. Preno dude, baka matunaw ako. Sayang naman, bawawasan ang mga magaganda sa mundo." Sarcastic niyang biro sa binata. Natawa ang iba niyang mga kaklase maliban lang kay Auel. Marahan siyang lumapit sa dalaga na tila ba kahit walang kaemo-emosyon ang kanyang mukha, mararamdaman pa rin sa kanyang mata ang inis na nararamdaman. 

Cheska:"Oh? Oh? A-Anong ga-gagawin m-m-mo?" Utal-utal niyang tanong sa binata. Bawat yapak na paabante ng binata ay siya namang atras ng dalaga, hanggang sa wala nang maatrasan si Cheska dahil sa punong akasya sa kanyang likuran.

Auel:"Matagal ko nang gustong gawin to..." Bulong ng binata habang nakatitig pa rin sa mga mata ng dalaga. Sumesenyas si Cheska na tulungan siya ni Jassie pero tila patay malisya lang ang kanyang kaibigan at parang tuwang-tuwa pa sa kanyang nakikita. Kinulong ni Auel si Cheska sa pagitan ng kanyang mga braso.

Class Picture 2 : Moriendo Renascor (Published under Cloak Pop Ficion)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon