CP27:Do or Die (2.2)

25.8K 931 640
                                    

"Now, it's your turn."


Nang marinig ito ng dalawa, agad silang nakaramdam ng takot at kaba sa mga susunod na mangyayari. Dahan-dahang bumukas ang pintuang lagusan palabas ng kwarto, isang dalagang nakasuot ng itim na maskara. Ang maskarang ito ay natatakpan lamang ang kanyang mga mata. Nakasuot siya ng mahabang itim na gown na may disenyo ng mga kulay rosas na bulalak . Mayroon din siyang itinutulak na catering trolley, nakapatong dito ang isang mahabang plato na natatakpan ng isang cloche. Hindi rin maitanggi ang suot-suot niyang matamis na ngiti habang marahan siyang naglalakpad papunta sa direksyon ni Blake.


"You b*tch! Pakawalan mo ko rito!" Sigaw ni Nadine habang sinusubaybayan ng pagtingin ang paglalakad ng babae. Natawa ng mahina ang babaeng nakamaskara, huminto siya sa harapan ng glass box at kumatok ng tatlong beses.


"Malandi ka, pokpok, dapat sa'yo, turuan ng leksyon." Bulong niya habang nakatingin sa mga mata ni Nadine. Mariing napalunok si Nadine sa kanyang narinig at pilit na kumawala sa mga bakal na nakatali sa kanya. Nagmatapang ang dalaga, hindi siya nagpakita ng kahit anong takot sa harapan ng misteryosong babae. Tinaas niya ang isang niyang kilay at sinabing...


"I don't care who the f*ck are you. Hindi mo ba 'ko kilala? Ako si Nadine Tan, at isa ang pamilya ko sa mga kilalang tao sa industriya. Kung gusto mo, babalewalain ko ang lahat ng 'to kapag pinakawalan mo 'ko." Aroganteng sagot ni Nadine. Napangiti't napailing lang ang babae at tila natatawa sa kanyang narinig.


"Tsk, tsk, tsk, too bad hindi ko magagawa ang gusto mo. Pero huwag kang mag-alala, hayaan mong burahin ko ang isa sa mga Tan sa mundong ito." Malamig na sagot niya kay Nadine.


"F*ck you ka! Devil! Go to hell! B*tch!" Walang tigil na pagmumura ni Nadine habang masamang nakatingin sa babae, pero binalewala lang siya nito. Nagpatuloy lang ang babae sa paglalakad hanggang sa marating niya ang kinauupuan ni Blake.


"Hi Blake." Malanding bulong matandang babae.


"Layuan mo ang boyfriend 'ko! Slut!" Nagkukumahog na sigaw ni Nadine. Bahagyang ngumiti ang babae nang marinig niya ang sigaw ni Nadine. Nilingon niya ang dalaga at itinapat ang kanyang hintuturo sa labi. Hinawakan niya sa pisngi si Blake at marahang inilapat ang kanyang labi sa binata.


"N-N-No! F*ck you ka! Whore! Sh*t! Sh*t! Sh*t!" Paulit-ulit na sigaw ni Nadine habang nakatingin sa babae na hinahalikan si Blake. Nagpupumiglas si Blake pero hindi niya magawang maitulak ang babae dahil mahigpit na nakatali ang kanyang mga kamay sa upuan. Matapos niyang halikan ang binata, humarap siya kay Nadine, pagkatapos, dahan-dahan niyang kinagat ang kanyang labi na para bang inaasar ang dalaga.


"Ahhhhh! Sh*t ka talagang whore ka! Once na makawala ako rito, I'll kill you with my bare hands! I'll kill you! I'll kill you!" Sigaw ni Nadine.


"Bago mo magawa 'yan, gusto ko munang makipaglaro sa inyo." Magalak at naeexcite na pagkasabi ng babaeng nakamaskara. Nagbuntong-hininga siya at humarap kay blake. Inilabas niya sa kanyang bulsa ang isang matalim na skrewdriver.


"Hindi na 'ko magpapaligoy-ligoy pa, para mailigtas mo si Nadine, kailangan mong maubos 'to sa loob ng dalawang minuto." Wika ng dalaga. Napakunot ang noo ni Blake sa kanyang narinig.

Class Picture 2 : Moriendo Renascor (Published under Cloak Pop Ficion)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon