CP10:Shattered Clues

42.9K 1.1K 293
                                    

Mag-aalalas kwatro pa lamang ay gising na't nakabihis na ang mga studyante ng pang-anim na seksyon. Lahat sila ay may kanya-kanyang dalang bag na nakasukbit sa kanilang likuran. Nakapila sila nang maayos at hinihintay ang bus na susundo sa kanila. Hindi mapakali si Ms. Hazel at tila natatakot pa rin sa kung anong naghihintay sa kanya sa loob ng pulang envelope. Nagbuntong-hininga siya at tumingin sa madilim na kalangitan.

Ms. Hazel:"Tulungan niyo ho ako.." Bulong niya sa kanyang sarili. Hindi niya alam pero bigla na lang siyang napatingin kina Zero at Sakura. 

Zero:"Anong nangyare kagabi?" Pamungad na tanong ng guro kay Sakura.

Sakura:"Kagabi?" Naguguluhang sagot ng dalaga.

Zero:"Oo, kagabi. Isa sa mga studyante sa pang-anim na seksyon ay namatay dahil sa rami ng saksak na natamo niya sa kanyang tiyan. Sabi nang mga pulis fraternity daw ang dahilan pero hindi ako naniniwala." Tuloy-tuloy niyang pagkasabi, napangiti lang si Sakura nang marinig niya ang masamang balitang iyon. Napakunot nang noo si Ms. Hazel at hindi napigilan ang sarili na makisali sa pag-uusap nang dalawang guro.

Ms. Hazel:"B-B-Baket? S-Sinong sa mga studyante ko ang namatay?" Utal-utal niyang tanong habang papalapit sa dalawang guro.

Sakura:"Si Michael, Michael Aryll Beley, ang top 1 sa klase mo." Malamig niyang pagkasabi. Para bang binagsakan siya nang langit nang marinig niya ang pangalang iyon. Naalala niya rin ang ginawa niyang pag-sermon sa binata kagabi.

Ms. Hazel:"A-Ano raw ang ikinamatay?" Curious niyang tanong sa dalawa. Natawa naman ang binata at napahawak sa kanyang salamin.

Zero:"Bakit Hazel? Ayos ka lang ba? Mukhang interesadong-interesado ka ah?" Biro nang doktor, seryoso naman si Sakura at inoobserbahan lamang ang mukha ng guro.

Ms. Hazel:"A-Ano kasi eh, ga-" Naputol ang kanyang sinasabi nang biglang nagsalita si Sakura.

Sakura:"Mukhang masyado ka atang interesado Ms. Chui?" Tanong ng guro pagkatapos ay tumawa ito nang mahina.

Ms. Hazel:"H-Hindi, syempre studyante ko siya." Paliwanag niya kay Sakura.

Sakura:"Ahh, akala ko kasi may alam ka sa pagkamatay niya." Diretsong pagkasabi niya habang tinititigan ang guro sa mga mata. Bigla siyang hinawakan ni Zero sa balikat at sinaway.

Zero:"Sakura! Tama na, hindi tamang nag-aaway tayo. Nakikita kayo ng mga bata oh?" Nagbuntong-hininga si Sakura at nagbow sa harap ni Ms. Hazel

Sakura:"Sorry." Matipid niyang sinabi, pagkatapos ay dumating na sa eskwelahan ang hinihintay nilang bus. Nagpalakpakan ang mga studyante ng 4-6  nang makita nila ito. Lahat ay sobrang excited at hindi mapakali sa magaganap na retreat. Huminto ang bus sa tapat nang mga studyante at unti-unting nagbukas ang malaking pintuan sa gilid. Pinagmasdan nang tatlong guro ang pagpasok ng mga studyante sa loob. Nagulat sina Sakura at Hazel nang makita nilang hindi sasama si Zero.

Class Picture 2 : Moriendo Renascor (Published under Cloak Pop Ficion)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon