CP35:Hades' Keys

19.9K 822 270
                                    

"Lee..." Mahinang bulong ni Zero habang nakatingin sa direksyon ni Lee Miww. Piniling hindi magsalita ni Sakura at nanahimik lamang sa gilid. Gusto niya munang malaman kung bakit pinuntahan sila ng dalaga sa kubo. Iniisip niyang mas mabuting magmasid muna sa mga papakawalan na salita ni Lee bago siya magreact.


"Mukhang kanina ka pa riyan, alam kong narinig mo ang mga napag-usapan namin ng iyong guro." Malamig na bulnog ni Zero. Ibinaling ng binata ang kanyang atensyon sa dalawang natitirang cookies sa platito.


"Hindi ko na po kasi kayang manahimik pa." Bulong ni Lee habang nakatingin sa kanyang pusa na si Keiko. Kapansin-pansin sa dalaga ang pagkailap niya ng tingin sa doktor at sa guro.


"Manahimik?" Curious na tanong ni Sakura.


"Mukhang mayroon kang nalalaman. Maari mo bang sabihin sa amin iyon?" Diretsong tanong ng binata. Isang mapaglaro't nakalolokong ngiti ang kumurba sa labi ni Lee. Mariing napalunok ang dalawa nang bigla na lamang tumawa ng malakas si Lee Miww. Nanlalaki ang kanyang mga mata habang mariing nakasarado ang kaynang dalawang kamay. Bigla ring umalis ang pusa na kaninang nakaupo sa hita ni Lee Miww.


"L-Lee?" Bulong ni Sakura habang nakakunot ang kanyang noo. Dahan-dahang ibinaling ni Lee Miww ang kanyang tingin sa guro. Suot ang malaking ngiti sa kanyang labi, mahahalatang mayroong iniisip ang dalaga na kakaiba.


"Mamatay tayong lahat kung hindi pa tayo aalis dito." Mapaglarong bulong ng dalaga. Sa sobrang hina ng boses niya, kinailangan pang ilapit ni Sakura at Zero ang kanilang mga mukha upang marinig siya.


"Mamatay? Dito?" Naguguluhang tanong ni Zero.


"Don't let your eyes fool you. Hindi lahat ng ipinapakita sa atin ng ibang tao ay totoo. Sa likod ng kanilang matatamis na ngiti, mayroong maitim na budhi ang nagtatago." Huling wika ng dalaga bago siya tumayo sa kanyang kinauupuan.


"This world, they say that no man is an island, but the cruel reality? We only live for ourselves, and we will also die for ourselves. Paalam na po muna, kailangan ko nang umalis." Magalang na wika ni Lee Miww na nasundanng isang bow. Bago pa man siya tuluyang makababa ng kubo, muli siyang lumingon at ngumiti.


"I salute my classmates' heroism, but it's plainly a sign of idiocy to sacrifice one's life for another's." Misteryosong wika ni Lee. Nakatingin lamang ang dalawa habang pinagmamasdan maglakad papalayo ang dalaga. Mariing napalunok si Sakura at pinilit na ibahin ang topic.


"Z-Zero.." Nanginginig niyang bulong sa binata. Agad siyang tinignan ni Zero pero kahit na napakamisteryoso ng mga binitiwang salita ni Lee, nakapokerface pa rin siya at tila hindi naapektuhan sa mga pinakawalang babala ng isa sa kanyang mga studyante.


"Don't mind Lee. She's only threatening us. I believe that she's an ally, not a foe. Kumbaga sa batch natin, she's the Chantelle of this generation." Bulong ng binata. Kinuha niya muna ang natitirang cookie sa platito bago tumayo.


"Let's go. Matulog na tayo, kailangan na nating kumilos. Lalaban na tayo." Bulong ng binata at nagsimulang maglakad palayo kay Sakura. Naiwan naman sa kubo si Sakura at halatang naguguluhan pa sa mga nangyayare. Hindi niya maintindihan pero kahit na isa-isang nabubuklat ang katotohanan, parang mas lalo lang kumokoplika ang mga nangyayare.

Class Picture 2 : Moriendo Renascor (Published under Cloak Pop Ficion)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon